Kabanata 17

460 84 8
                                    

Jaydee's POV

"Umalis kayo ng mansyon na hindi man lang nag papaalam o sumusulat sa akin." Panimula ni Papa.
Nilapag ni Amy ang tsa-a sa lamesa, at tumabi sa akin.

"Paumanhin Papa, hindi namin inaasahan na magtatagal kayo ng ganun sa ibang bansa."

"Nagulat na lamang ako na wala akong naabutan sa mansyon. Wala doon si Gabrielle, wala din si Laney. Nawala lang si Daryll ay nagsi alisan na din kayo sa mansyon. May problema ba at hindi nyo sinasabi sa akin?"

Hinawakan ni Amy ang kamay ko, kay lamig nito.

"Naisip lang namin Papa na makabubuti kung bubukod kami ng tirahan, sa tingin naman namin ni Amy ay mabuti ito para sa pamilya namin"

Nilingon ni Papa si Luna na naglalaro sa isang tabi.

"At si Luna? Sa tingin nyo ba ay nakabuti sa kaniya?"

"Batid naman namin Papa" sagot ni Amy. "Napag pasyahan din naman na dito ganapin ang kaarawan ni Luna"

"Diyan ako hindi sasang ayon Amanda. Isang Villaruel si Luna kung kaya hindi ako papayag na dito pa sa Hacienda Trinidad ganapin ang kaarawan nya. Napag usapan na natin ito, hindi ba Jaydee?"

"Opo Papa, tama si Papa Amy. Noon pa man ay pumayag na tayo na ganapin ito, at sa mansyon iyon."

"Dadalo lang din naman ang lahat sa pagtitipon na iyon, mas mabuti ng sa Hacienda na, dahil napakalaking selebrasyon ito." Si Papa.

Ng maakalis si Papa ay dito na nagsimulang magbago ang timpla ni Amy.

"Ano ang kinaibahan kung dito o doon gaganapin amg kaarawan ni Luna" sambit ko.

Nilingon nya ako at kay sama ng tingin nito sa akin.

"Ang akala ko ba ay malinaw na dito na gaganapin? Nasabi na natin sa Papa ko Jaydee"

"Maiintindihan ni Don Alejandro kung ililipat ang lokasyon Amy, hindi simpleng handaan ang nais ni Papa, alam mo iyan, sayo sya nakipag usap hindi ba?"

"Ngunit tayo ang mga magulang ni Luna, dapat na tayo ang magdesisyon kahit na dito man lang Jaydee"

"Amy huminahon ka, wag pairalin ang init ng ulo. Hindi natin mapipigilan si Papa, dapat nga ay matuwa tayo. Nag iisang apo ng Villaruel si Luna, Amy. Nararapat lang na ngayon palang masanay na sya sa ganitong mga pagtitipon" paliwanag ko kay Amy.

Niyakap ko sya patalikod upang pakalmahin sya.

"Wala kang dapat na ipag alala mahal ko, magiging masaya ito para kay Luna" malambing kong sabi at hinalikan sya sa ulo.

Pagkalipas ng dalawang araw.

Naghihintay na ako dito sa sasakyan, dahil pinauna na ako ni Amy.
Sa Hacienda Villaruel kami mamamalagi ngayon dahil bukas na ang kaarawan ni Luna.
Kailangan kami doon upang mapaghandaan din ang pagtitipon bukas.

Nagpadala na ako ng mga sulat kay Dana at Lara, maging kay Gia at tiyak naman na dadalo sila.

"Dada" masayang tawag ni Luna na pababa sana ng hagdan. Agad akong tumakbo palapit sa kanya.

"Nasaan ang Mama mo, hindi ka dapat lumabas ng di sya kasama"
Malaking pala isipan sakin kung paano nakababa ng hagdan itong batang to. Nasan ka ba Amy.

Diretsong tingin lang si Luna sa gate, kung kaya nilingon ko kung anong tinatanaw nya doon.

"Francese" mahina kong sabi.

"Francese" hindi malinaw na ulit ni Luna. Tinignan ko sya ng sabihin nya iyon, ngumiti sya sa akin, nasisiyahan sa sinabi nya.

Binuhat ko si Luna, binuksan namn ng tagasilbi ang gate para kay Francese.

Moondust: The Lost ChaptersWhere stories live. Discover now