Kabanata 10

547 98 21
                                    

Jaydee's POV

"Si Laney?" Tanong ko kay Gabrielle na kabababa lang mula sa pangalawang palapag.

"Ayaw paring lumabas, kahit anong pakiusapan ko" daing ni Gabrielle.

"Ako na ang kakausap" si Amy. Hinawakan ko ang kamay nya upang pigilan sya sa pag panik sa hagdan.

"Manatili ka rito at ako ang kakausap" sambit ko sa kanya at binitawan ang palapulsuhan nya.

Kumatok ako bago buksan ang pinto na hindi naman naka kandado.
Sa pagbukas ko ng pinto ng silid na iyon. Agad kong nakita si Laney na nakatalikod at nakaupo lamang sa silya habang nakaharap sa lamesa.

Alam nyang narito ako, batid nyang may tao ngunit hindi nya alam kung sino.

"Bakit hindi ka pa maghanda" mahinahon kong sabi sa kanya. Hindi parin ako umaalis sa bungad ng pintuan dahil rinig naman mula rito ang boses ko.

"Hayaan mo na ako Jaydee"

"Ilang linggo ka na naming hinahayaan, tanging si Amanda lang ang nais mong kausapin. Ngayon lamang ako naglakas ng loob na kausapin ka Laney"

"Pakiusap lumabas ka na Jaydee" mahina nitong sabi ngunit dinig ko naman.

"Gusto man kitang hayaan dito ngunit naaabala na ang pamamahinga ni Danielle at Daryll." Hindi nya ako pinakinggan. Kailangan ko pang habaan ang pasensya ko.

"Laney, hahayaan mo bang hindi man lang makita si Daryll sa huling pagkakataon---"

"Hindi ko kaya Jaydee"

"Asawa mo sya, anak mo si Danielle ngunit ni minsan ay hindi ka humarap sa mga panauhin, ni silipin sila hindi mo ginawa."

"Hindi ko kailangan ng pakikisimpatya nila Jaydee ang kailangan ko buhay nilang dalawa"

"Alam nating hindi na sila babalik, ang kailangan nalang natin ay tanggapin ---"

"Tanggapin? Napakadaling sabihin sa iyo na tanggapin ko na wala na sila dahil hindi naman ikaw ang nawalan"

"Hindi madali Laney, ngunit hindi mo ba naisip na kailangan na din nilang magtungo sa huling hantungan. Ikaw nalang ang hinihintay sa labas, lahat kami pilit tinatanggap na wala na sila hindi lang ikaw ang nahihirapan sa nangyari"

Sandali akong nanahimik, wala akong magagawa kung hindi nya nais na sumama sa paghatid sa sementeryo kay Daryll at Danielle.
Noong isang araw pa dapat na nailibing ang dalawa ngunit si Laney ang iniisip namin.

Maging si Auntie Lucia ay hindi nya pinakikinggan, si Amy lamang ang nais na kausap ngunit hindi rin sya nakumbinse ni Laney.

Hindi rin madali sa amin na makita si Danielle at Daryll na nasa loob ng kahon na iyon.

"Mauuna na ako sa ibaba, itutuloy na namin ang pagpapalibing sa kanila" sambit ko at tuluyan ng lumabas ng silid nya.

Nakaabang si Papa at ang mahina na din na si Lolo. Siguro ay umaasa na sa pag baba ko, kasama ko na si Laney.
Sumenyas ako na hindi ko sya makumbinsi.

Sa pagbaba ko nilingon ko si Luna na buhat buhat ni Amy ngayon habang nakatingin sa namamahingang si Danielle.

"Wala tayong magagawa kundi magdesisyon para sa pamilya nya" sambit ni Gabrielle ng makalapit sa akin.

Sabay kaming lumapit sa kabaong ni Daryll.

"Mukhang ayaw makita ng asawa mo ang napaka ganda mong mukha" mahinang sabi ni Gabrielle kay Daryll.
Batid namin na hindi nya na kami naririnig kung nasaan man sila ngayon.

Moondust: The Lost ChaptersWhere stories live. Discover now