Kabanata 3

765 136 24
                                    

Amanda's POV

Patungo ako sa silid ni Luna ngayon, kay aga kong nagising dahil wala si Jaydee ngayon sa tabi ko.
Nagtungo sila ng Maynila kasama si Laney at Gabrielle.

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng silid nila Luna upang kung tulog man sila ay hindi magising sa ingay.

Tama nga ako at napakahimbing ng tulog nilang tatlo. Lumipas ang mga araw na nagkakasama sila at hindi na rin muling kinagat ni Cali si Luna.
Napansin kong tumabi pala si Danielle kay Luna, habang nakatalikod si Luna ay yakap yakap sya ni Danielle.

Napaka lambing ng anak ni Laney at Daryll. Hangad ko na sa paglaki nila, mas matibay pa na pagsasamahan ang mabuo nila. Hindi man sila tunay na magkadugo.

Umupo ako sa silya sa tabi ng kama nila, mula rito ay pinagmamasdan ko si Luna. Paboritong Apo ni Don Arturo, magmamana ng Hacienda Isidto at Hacienda Villaruel.
Masaya ako Luna, masaya ako at mahal na mahal kita.
Hindi namin hahayaan ng Dada mo na mahirapan ka, kahit na pa nais kang matuto ni Jaydee sa buhay. Ikaw ang nag iisang anghel ko Luna.
Hindi ko hahayaan na mawala ka sa amin, sa akin.

"Kay himbing ng tulog nila" si Coleen, kapapasok lamang sa silid.
Umupo sya sa tabi ni Cali.

"Limang taon na ang lumipas Coleen, masaya ako sa desisyon ninyong manatili dito" sambit ko.

"Hiling ng Papa ni Gabrielle, Amanda." Nakangiti nyang sagot. "Limang taon na rin simula nung nagbago ang takbo ng buhay ninyo ni Jaydee, saksi rin ako kung paano nyo ipinaglaban ang pagmamahalan nyo sa lahat. Napakaraming hadlang ngunit sinong mag aakala na may Luna palang dadagdag sa buhay ninyo"
Nakangiti ako sa sinabi ni Coleen.

"Coleen," nilingon ko sya "Naaalala mo ba noong panahon na hindi mo makuha si Gabrielle dahil kay Ella."

"Hanggang ngayon ay naaalala ko parin Amanda, bakit mo na wika"

"Ano bang pakiramdam mo ng magkita silang muli, ngayong alam mong dati silang may relasyon"

"Alam mo Amanda, noong umalis kami ni Gabrielle dito ng matapos ang kasal. Pinangako nya sa akin na kailan man hindi na muugnay si Ella sa bubuuin naming pamilya. At tinupad nya iyon, sa tingin ko ay hindi lamang ako ang dahilan" nilingon nya ang anak nya "pati rin si Cali, mahal na mahal ni Gabrielle si Cali, Amanda. Katulad ng nakikitang kong pagmamahal ni Jaydee kay Luna."

"Gusto ni Jaydee na lumaki si Luna katulad nya. Ang nais nga nya ay magtanim din ito katulad ng ginagawa nya dati"

"Kabaliktaran ng kay Gabrielle, sunod sa luho si Cali sa kanya. Hindi ko naman mapagbawalan dahil doon sila masayang dalawa."

Sandali kaming nanahimik. At pinagmasdan lamang ang natutulog na nga paslit.

"Bakit mo nga pala natanong ang tungkol kay Ella at Gabrielle? Anong nasasaisip mo Amanda?"

"Wala Coleen, napag usapan lamang" nakangiti kong sagot sa kanya.

Ilang minuto pa nagising na si Luna. Nauna na kaming bumaba dahil kagigising pa lamang ni Danielle at Cali. Habang nagpapahangin sa labas at hinihintay ang pagsikat ng araw, nakatanaw lamang si Luna sa malayo.

"Dada?" Mahina at hindi malinaw nyang salita.

"Umalis sya Luna" sambit ko, umupo upang mapantayan ang paslit na ito.
"Babalik sya sa isang araw, nasasabik ka na ba kaagad sa kanya?" Tanong ko, batid ko naman na naiintindihan nya ako.

Tumingin sya sa akin at niyakap ako, di ko mapigilan ang luha ko na pumatak habang niyayakap pabalik si Luna.

"Palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita Luna, mahal na mahal ka namin anak"

Moondust: The Lost ChaptersWhere stories live. Discover now