Kabanata 29

354 53 8
                                    

Jaydee's POV

Lumipas ang mga araw at buwan, hindi man ako mismo ngunit patuloy parin ako sa paghahanap kung nasaan si Amy. Nag uutos ako ng mga tao na maaring makatulong.

Tila naglaho itong parang bula ngunit hindi ang sakit ng katotohanan na sa mga oras na ito marahil ay maayos at masaya na sya.

Bakit nga ba patuloy parin akong umaasa kahit na sa liham nya sakin ay pinalaya na nya ako.

Naging maayos ang samahan ng mga Hacienda, katulad ng bilin ni Laney si Gabrielle ang umasikaso sa Hacienda Sañosa.

Kasabay ng paglipas ng bawat araw ay ang paglaki ni Luna, kasabay na din ni Cali.
Sa susunod na dalawang buwan ay magtutungo na sila Ella at Gia sa Estados Unidos upang magkaroon na din ng anak.

Ginugugol ko ang sarili ko sa trabaho, dito sa Hacienda at sa maynila.
Hindi tulad dati, hindi na ako madalas na nasa Hacienda Pinlac dahil sa nasanay na din si Luna sa mama nya.
Nasanay na din itong wala si Amy sa tabi nya. Mabuti pa si Luna.

Narito ako ngayon sa bayan, may hinabilin si Papa na kausapin kong tao at tapos na din naman ang transaction.

Pabalik na ako ng sasakyan ng madaanan ang mga bulaklak na tinitinda ng isang ginang.
Naisip kong bumili ng apat na piraso at ibibigay ko ito kay Luna. Itanim nya kung nais nya, ngunit tutulungan ko sya.
Hindi katulad ni Papa, mas malaya sya kay Don Franklin, sunod lahat ang gusto nito sa mga Pinlac kung kaya may kaunting pangamba ako na lumaki itong masanay na dapat makuha nya ang nais nya.

Ng makarating ako sa Hacienda Pinlac, agad akong pumasok sa mansyon.

"Kay ganda ng ngiti mo Jaydee" napalingon ako sa nagsalita, si Don Franklin na galing sa kung saan.

"Magandang hapon po Don Franklin" bati ko sa kanya.

Nakangiti ito sa akin, at nakatingin sa dala ko. Ah ang sunflower.

"Para ka Luna po Don Franklin, naisip ko na matutuwa sya dito at baka maitanim nya pa"

"Ganoon ba? Osya nasa itaas sila." Sambit nito at ng makalapit sa akin ay tinapik ang balikat ko.

Umakyat na ako sa hagdan patungo sa silid ni Francese. Sa pinto pa lamang naririnig ko na ang halakhak ni Luna. Naglalaro siguro silang dalawa.

Kumatok ako at naghintay na bumukas ang pinto.
Si Francese ang bumungad sa akin habang hawak ko ang mga bulaklak na ito.

"Jaydee" sambit nya.

"Francese---" sandali kong tinignan ang hawak ko. "Para sayo?" Inabot ko sa kanya iyon.

Ilang segundo nya pa akong tinignan, kuhanin mo na bago pa magbago ang isip ko.

"Salamat" ngiting hindi kumbinsido nito sa akin. At tumalikod na. Nakatingin lamang si Luna sa amin at tila nagbago ang timpla nito habang pinagmamasdan ang hawak ng mama nya.

"Francese" tawag ko at agad na lumapit sa kanya. "Kay Luna ang isa" naiilang kong sabi, bakit ko ba kasi binigay lahat.

"Ikaw talaga Jaydee" kumuha sya ng isa at binalik sakin.

"Salamat" sambit ko. Napailing nalang sya at umupo sa tabi ni Luna.

Umupo ako upang mapantayan si Luna, at inabot sa kanya ang bulaklak.

"Para sayo anak" sambit ko, kinuha naman nya agad.

Ngunit tumingin ito sa hawak ni Francese, tila nagtataka kung bakit iisa lamang sa kanya.

May kumatok sa pinto, ang alam ko ay nakabukas ito kung kaya nilingon nalang namin.
Napaayos ako at tumayo ng makita si Don Franklin.

Hindi ito nagsasalita, tila may iniisip na malalim. Bahagya akong kinabahan dahil sa seryoso nyang mukha.

Moondust: The Lost ChaptersWhere stories live. Discover now