Kabanata 35

326 32 6
                                    

Francese' POV

Naaaninag ko na ang sikat ng araw, nagtangka akong tumayo ngunit kay higpit ng yakap ng katabi ko.

"Dito ka lang." Mahinang sabi ni Jaydee.

Pinagmasdan ko syang nakayakap sa akin at nakapikit parin.

"Jaydee" bulong ko.

Minulat nya ang isang mata nya, inangat ang ulo nito at naghintay ng sasabihin ko.

"Nasabi mong aalis si Papa ngayon, hindi pa ba tayo babalik ng mansyon?" Matapos ko syang tanungin ay bumalik ulit sya sa pagkakahiga tila walang narinig.

Ngunit ilang segundo lamang minulat nya na ang mga mata nya.

"Umaga na?" Tanong nito habang pinagmamasdan ang paligid ng silid nya. Mukhang gulat pa sa liwanag na nakikita nya.

"Oo, kanina pa." Sagot ko. Tumayo sya at nagnamadaling, hinanap ang mga damit nya.

Maya maya ng matapos syang makapag suot ng damit, natigil ito at problemadong tumingin sa akin.

"Magbihis ka na." Utos nya sa akin.

"Paano?" Sagot ko.

"Ahh-- sige, lalabas ako." Sambit nito. Dahan dahan na binuksan ang pinto bago tuluyang lumabas at isarang muli ito.
Nagmadali na akong magbihis upang makasunod kaagad sa kanya.

Paglabas ko ng silid nya, naglalakad dya palapit sakin dahil galing ito sa balkonahe ng mansyon. Dala nya ang kagabi hawak nyang mga dokumento.

Ngumiti sya sa akin at ng makalapit ay hinalikan ako sa noo.

"Napakaganda mo Francese"  bulong nito. Alam kong nagmamadali kami ngunit maari bang maging masaya muna sa pagbati nya sakin.

"Ehem" nilingon namin ang gumawa ng ingay na yun. Si Gabrielle na kagigising lamang at nakatayo sa pintuan ng silid nila ni Coleen.
"Narinig nyo ba yung ingay kagabi?" Seryoso nyang tanong samin, papikit pikit pa ang mata halatang inaantok pa.

"Hindi." Sagot ni Jaydee. "Halika na Francese." Aya nya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

Naglakad na kami at nilampasan si Gabrielle.

"Guni guni ko lamang siguro yun. Magandang umaga nga pala sa inyong dalawa." Sa tono nyang masaya, halos isigaw nya pa dahil nakalayo na kami sa kanya.

----

Hindi na kami halos nag usap ni Jaydee, dahil sa pagmamadali nitong makarating ng Hacienda Pinlac.

Pagbaba namin ng sasakyan, sya namang paglabas ni Papa ng mansyon.

Seryoso ang mukha nito ng makita kaming dalawa ni Jaydee.

"Magandang umaga po Don Franklin." Bati ni Jaydee kay Papa.

"Magandang umaga Papa" bati ko din sa kanya, nanatili lang ako sa tabi ni Jaydee.

"Bakit ngayon lang kayong dalawa, saang bansa ba ang Hacienda Villaruel at hindi na kayo nakabalik kagabi? Jaydee? Francese?"

Maging ako hindi ko alam ang isasagot kay Papa, hindi namin maaring ipaliwanag ang nangyari.

"Paumanhin po Don Franklin, kay hirap po kasing hanapin ng mga dokumento na ito. Masyadong tinago ni Papa"

"Opo Papa, sinamahan ko po syang maghanap kagabi."

Tila hindi kumbinsido si Papa sa sinabi namin ngunit kailangan tanggapin nya yun.

Inabot ni Jaydee sa kanya ang dokumento na iyon.

Moondust: The Lost ChaptersWhere stories live. Discover now