Kabanata 34

266 35 3
                                    

Francese' POV

Kaarawan ni Mama ngayon. Narito ang mga piling bisita, mga Haciendero at iba pang mayayamang negosyante sa kalapit bayan.

Kulang nga lang dahil wala ang pinsan kong si Ella, ngunit inaasahan na bago mag isang taon makakabalik sila dito sa Hacienda Pinlac. Nasasabik na din kaming makita ang magiging anak nila.

Narito ako sa pangalawang palapag, habang pinagmamasdan ang mga nagsasayaw sa ibaba. Hinahanap din ng mga mata ko si Luna at Jaydee.

Ilang araw na ang lumipas simula ng mag usap kami, hindi katulad ng biro ni Gabrielle, hindi ako sa Hacienda Villaruel maninirahan, kami ni Luna.

Naging abala si Jaydee, sa trabaho nya tila wala ng balak balikan ang usapan namin na iniwan nya.

Napansin ko si Luna na kumakaway sakin mula sa ibaba, kasama si Cali. Di kalayuan sa kanya ay si Jaydee at Gabrielle na nakabantay sa anak nila. Nasaan kaya si Coleen?.

"Hinahanap mo ko?" Katatanong ko palang sa sarili at bigla na itong sumulpot sa tabi ko.

"Dahan dahan ka naman at nagugulat ako sayo" sambit ko.

Bahagya syang natawa.
"Paumanhin, masyado ka kasing nakatutok kay Jaydee kung kaya hindi mo siguro agad napansin ang pag akyat ko sa hagdan."

"Kumusta sya Coleen?" Wala sa lugar kong tanong.

"Sya? Sino? Si Jaydee?" Tanong ni Coleen. Tumango lamang ako.
"Hindi kayo nag uusap.? Teka, ang akala pa naman namin pormal na pagpapakilala nya nalang sayo ang kulang."

"Ha?" Pagtataka ko.

"Simula nung nangyari sa Hacienda Isidto, halos ikaw ang bukang bibig nilang dalawa ni Uncle Nikollo maging si Gabrielle nga, at maging ako sabik na ding makasama ka sa mansyon. Pagkatapos hindi pala kayo nag uusap?"

"Huli naming nag usap noong araw kinabukasan ng gabi na iyon." Maikli kong sagot.

"Ibig sabihin, hindi pala totoo ang narinig kong usapan nila ni Don Nikollo. Huwag mong sasabihin ha, narinig ko lamang at hindi ko sinasadya."

"Makakaasa ka Coleen. Maari bang malaman?"

Tinignan na muna nya ako, ang mga tingin nya ay may ibig sabihin, idagdag pa ang nakakalokong ngiti nito.

"Osya wala naman sigurong mawawala. Hindi ko napakinggan lahat ang usapan nila, ngunit sa pagkakatanda ko humihingi ng pahintulot si Jaydee kay Uncle Nikollo tungkol sa inyong dalawa. Narinig ko din na hindi lamang daw iyon para kay Luna, dahil nga--" Tumigil ito sa pagsasalita at hindi maitago ang ngiti.

"Dahil?" Sambit ko.

"Dahil iba na raw ang nararamdaman nya para sayo. Patawarin ako ni Gabrielle ngunit aaminin kong minsan ko ring pinangarap na mahalin ni Jaydee."

Tinitigan ko sya hanggang sa mapansin nyang hindi ko nagustuhan ang sinabi nya.

"Paumanhin Francese, minsan lang naman iyon hindi ka naman mabiro. Alam din naman ni Amanda yun."

"Coleen---" naiinis na tono ko sa kanya.

Natatawa naman ito at hindi sineryoso ang pagtawag ko ng pangalan nya.

"Ngunit isa lamang kasinungalingan iyon, marahil sya lang ang nagmamahal. Maari naman yun hindi ba, mahal mo nalang si Luna, at hindi ang kasama mong bumuo sa kanya?" Seryosong tono ni Coleen. Tila ba ako pa ang hindi nagmamahal ngayon kay Jaydee.

"Sinong nagsabi na si Luna lang ang mahal ko Coleen?"

"Kung mahal mo si Jaydee bakit hindi kayo nag uusap?"

Moondust: The Lost ChaptersWhere stories live. Discover now