Kabanata 7

782 145 27
                                    

Amanda's POV

Kaarawan ni Don Franklin ngayon, narito kami sa mansyon ng mga Pinlac. Habang abala sila sa kani kanilang mga kausap, nakatayo lamang ako dito habang pinagmamasdan sila.

Lumapit si Coleen at nag abot ng isang basong inumin.

"Salamat" wika ko. Maging sya ay nakatingin na rin sa mga tinitignan ko.

"Ginusto nila yan, sila ang mag alaga" natutuwang sabi ni Coleen.

Sila Jaydee, Gabrielle at Laney ang tinitignan namin. Nag uusap usap sila kasama si Gia. Habang si Gia walang bitbit na bata, kaibahan naman yun nila Jaydee.

"Mabuti iyan ng maiwasan nilang uminom at malasing" sambit ko.

Habang nagkukwentuhan kami ni Coleen, natanaw ng mata ko si Francese na katatapos lamang makipag usap sa ibang mga bisita.
Dumating na din si Daryll at pumunta sa kinatatayuan namin ni Coleen para makipag usap.

Nag kwento lamang si Coleen ng buhay nila ni Gabrielle sa ibang bansa, sa sobrang dami nyang kwento ay umabot na ang usapan sa Hacienda Pinlac, hindi rin kasi ito matapos sa Mansyon, dahil palaging nasa Hacienda Trinidad si Coleen kasama si Cali.

Nang mapansin kong lumabas si Francese, sandali akong nagpaalam sa kanila.

Pinuntahan nya pala si Ella na ngayon ay nasa labas at tila napaka lalim ng iniisip.
Babalik na sana ako sa loob upang hindi magulo ang pag uusap nilang dalawa ngunit huli na. Nakita na ako ni Francese at ngumiti ito sa akin.

"Anong kailangan mo Amanda?" Tanong nya. Napansin kong pinunasan ni Ella ang mga mata nya, umiyak siguro ang isang ito.

"Wala naman, nais ko lamang magpahangin" sambit ko habang nakatingin kay Ella na pilit ngumiti sa akin.
"Ayos ka lang ba Ella?" Tanong ko, kahit na sa palagay ko ay hindi

"Ayos lang ako Amanda, medyo mahangin dito at napuwing ang mga mata ko" sagot nya kung kaya hindi ko na ito pinilit pang magsabi ng problema nya.

"Ella" si Gia, mula sa pinto ng mansyon.

"Maiiwan ko muna kayo" paalam ni Ella.

Nang makaalis sya ay nanatili ako sa kinatatayuan ko, ganun din si Francese.

Ngumiti sya sa akin bago magsalita.
"Ilang taon na rin ang nakalipas simula nung huli kitang nasabunutan" nagulat ko sa sinabi nya ngunit bumalik sa ala ala ko ang araw na iyon.

Oo nga pala at kaarawan ng Papa nya nangyari ang nakakatuwang pangyayari na iyon.

"Hindi ko nakakalimutan ang sinabi kong sa susunod muli, ngunit ngayon sa edad natin ay hindi na dapat natin gawin iyon" sigurado ba ako sa sinasabi ko, may parte na oo at may parte na hindi. Nakadipende ito sa mga pwedeng mangyari.

"Tama ka Amanda, masyadong malalim ang punot dulo kung bakit nangyari iyon" sambit ni Francese.

"Si Jaydee" sya namang sambit ko.

Sandali syang nanahimik at tinignan lamang ako, tila hindi ko nagugustuhan ang ganitong mga kilos nya. Noong isang araw ay sinabihan pa kita Francese.

"Masaya na sya sa iyo Amanda, wala kang dapat na ikatakot pa ngayong nagbalik ako"

"Hindi ako natatakot Francese, sa totoo ay panatag ako sa kung anong relasyon meron kami ng asawa ko"

"Kung ganoon ay masaya ako para sa inyo, dahil batid mong kahit kailan hindi ko hinayaan na malungkot ang asawa mo" kampante nyang sabi.

Ngumiti na lamang ako at pilit na intindi ang sinabi nya, ayokong magulo ang kaarawan ng Papa nya dahil sa mga pinagsasasabi nyang nakakapagpabago ng timpla ko.

Moondust: The Lost ChaptersWhere stories live. Discover now