Chapter 2
Sir"Sige na, ako na munang bahala kay Apple wag kang mag alala. Dalian mo na at masamang pinag iintay si Sir" Mwinestrahan pa ako ni Ate Wena na lumabas na ng kwarto namin ni Apple. Alas otso na ng gabi at sinabi niyang kakadating lang daw ng amo namin at gusto ako nitong makausap.
Kahit kinakabahan ay sumunod na ako sa kaniya at lumabas. Nanlalamig ang mga kamay kong nag lakad papunta sa office room na itinuro ni Ate Wena. Doon daw kasi ako kakausapin ni Sir.
Mahaba haba din ang nilakad ko sa laki ng bahay bago matagpuan ang kwarto. May naka sukat sa pintuan na "Office room" at sa baba non ay naka sulat ang pangalan niya.
Huminga ako ng malalim bago lakas loob na kumatok doon.
"Come in" dinig kong sigaw sa loob.
Ano daw?
Hindi ko maintindihan ang sinabi niya kaya nanatali akong nakatayo sa labas.
Maya maya pa biglang nag bukas ang pinto mula sa loob at tumambad sa akin ang isang napaka tangkad na lalaki. Dibdib niya ang sumalubong sa mukha ko at kailangan ko pa siyang tingalain para makita ang mukha.
Jusko po.
Ito ba ang amo ko?
Ay pag kagwapo naman pala.
Kung ang iniisip ko non ay isang matandang lalaki na malaki ang tyan, kabiktaran non ang nakikita ko ngayon. Isang napaka tangakad na lalaki. Berde ang mga mata, Malaki ang pangangatawan, Moreno. Pero mukhang masungit. Nakakunot ang noo nitong naka tingin sa akin.
"What the fuck are you staring at? Hindi ba sinabi kong pumasok ka na" singhal niya na halos mag patalon sa akin sa lakas.
"H-Ho?" parang blanko ang isip ko sa gulat.
"I said come in, right? Ano pang tinatanga tanga mo dito sa labas?"
Ang sungig naman nito. Malay ko bang pumasok pala ang ibigsabihin ng come in na yon. Elementarya lang naman kasi ang natapos ko.
"A-Ah pasensya na ho. Hindi ko lang ho kayo naitindihan" nag baba ako ng tingin dahil nakakahiyang tumingin sa berde niyang mga mata.
"Tsk." tinalikuran niya ako at sinensyasang sumunod papasok.
Sumunod naman ako at isinara ang pinto. Itunuro niya ang upuan sa harapan ng lamesa niya kaya naupo ako doon.
"I'm Alejandro Dela Fuente. ikaw ang papalit kay Helen?" tanong niya.
"Oho."
"What's your name and how old are you?"
Ingles nanaman. Pero parang pamilyar yung salitang yon eh. Naririnig ko yon minsa sa tv ng kapitbahay namin.
Pero ano nga bang ibig sabihin non?
"S-Sir pwede ho bang tagalog? Pasensya na ho, elementarya lang kasi ang natapos ko kaya hindi ako marunong mag ingles. Pero wag ho kayong mag aalala ha, magaling ho akong mag bantay ng bata" paninigurado ko sa kaniya dahil baka mamaya'y mag dalawang isip pa siya.
Mahina siyang natawa at tsaka may binulong nanaman na hindi ko naintindihan.
"Well let's see if you can handle Farah's attitude" umiling iling siya.
Farah? Yon ba yung babantayan ko?
"I sai- Ang sabi ko anong pangalan mo at ilang taon ka na" pag uulit niya.
BINABASA MO ANG
Babysitting The Mayor's Daughter
RomanceSa pangangailangan ng pera para sa gamot ng lola niya at sa nalalapit na pag aaral ng anak niya ay pumayag si Clementine na palitan ang tiyahin niya sa trabaho nito bilang tagapag alaga ng anak ng isang mayor. Ang sabi niya'y kayang kayang niya ang...