Chapter 38

57.1K 1.6K 141
                                    



Chapter 38
Ate

Hindi na muli ako nakatulog ng maayos simula ng araw na yon. Gabi gabi kong iniisip ang pinagusapan namin ni Alejandro.

Balik narin sa normal ang lahat. Maagang aalis si Aiden tapos late na umuuwi. Ako naman ay lagi paring nasama kay Austine papasok ng eskwelahan.

"Tineee!" Malakas na tawag ni Farah habang tumatakbo papalapit sa akin.

Napangiti ako ng makitang hawak niya ang kamay ni Apple na walang magawa kung hindi mag pahila sa ate.

Nasa garden ulit kami ng eskwelahan nila. Simula noong mag kausap kami ay dito na kami laging nag kikita tuwing snack time nila, pero ngayon lang niya dinala si Apple dito.

Umupo si Farah sa tabi ng inuupuan kong batong upuan. Sinilip ko naman si Apple na umupo sa dulo. Nakanguso ito at nasa malayo ang paningin.

"I explained everything to her." bulong ni Farah sa akin. "Talk to her." aniya bago kunin ang lunch box at lumipat ng upuan para kami ni Apple ang mag katabi.

"Nak" tawag ko pero ibinaling niya ang ulo papatalikod sa akin.

Napansin ko ang pag yugyog ng balikat niya dahil sa pag iyak. Umusod ako papalapit at niyakap siya mula sa likod.

"Tahan na, Nak." hinaplos ko ang braso nito para pakalmahin pero mukhang mas nag palakas lang yon.

Nang harapin na niya ako, ayaw nitong ipakita ang mukha at sumubsob sa dibdib ko habang umiiyak. Mahigpit na mahigpit ang pagkakayakap niya na parang ayaw na talaga akong pakawalan.

"N-Nanay...W-Wag ka ng umalis nanay...Wag mo n-na kaming iwan N-Nanay...."

Madiin kong pinag dikit ang labi ko para hindi kumawala ang hikbi. Niyakap ko din ito ng mahigpit na mahigpit.

"Hindi na, Nak. Hindi na aalis si Nanay. Hindi ka iiwan ni Nanay"

Ramdam ko ang pagtango niya sa dibdib ko. Hinayaan ko lang siyang umiyak ng umiyak hanggang sa tumahan na ito.

Nakita ko sa tabi si Farah na pinapanood kami habang may ngiti sa mga labi. Ibinuka ko ang isa kong kamay para ayain siya sa yakap.

Mas lumaki ang ngiti niya at ibinaba ang kinakaing chichirya bago tumakbo papalapit sa amin ni Apple at yumakap din.

"Awww, Ate!" reklamo ni Apple ng sa likod niya yumakap si Farah at diniinan na parang nangigigil.

"Hindi naman masakit. Unaarte ka nanaman." Pang aasar nito at kinurot ang pisnge.

"Nanay, Oh. Si Ate..." nakanguso niyang sumbong na nakapag patawa sa amin ni Farah.

"Kayo talagang dalawa. Lagi ba kayong nag aaway, Ha?" tanong ko.

"Nope. Mabait kaya akong Ate. Diba?" siniko niya si Apple pero mas sumimangot lang ito at yumakap sa akin.

"Hindi kaya."

"Anong hindi? Lagi ko kaya kayong nililibre ni Nico ng ice cream." angal naman ni Farah at sumimangot nadin.

"Oo nga pero mas madalas ang pangaasar mo sa akin." tiningala ako ng tingin ni Apple ng hindi umaalis sa pag kakayakap sa akin.

"Nanay lagi po ako inaasar niyang si Ate."

Kinunot ko ang noo ko ng pabiro at tinignan si Farah kahit nag pipigil ng tawa. Napaka cute talaga ng dalawang to. Itong ang namiss ko sa kanila eh.

Babysitting The Mayor's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon