Chapter 21

62.8K 1.7K 102
                                    



Chapter 21
Sleep

"Wow! There's so many trees" namamanghang ani ni Farah pag baba namin ng kotse. Palinga linga ito kahit madilim na sa labas. Alas dose na kasi ng hating gabi kami nakarating.

Dumaretsyo ako sa likuran ng kotse para tulungan si Alejandro ibaba ang mga gamit na dala dala namin. Kinuha ko ang mga bag na may lamang damit namin at si Alejandro naman ay ang mga pagkain at cake na binili namin sa daan para kay Lola.

"Tara na" aya ko sa kanila at iginaya ang dalawang bata papalapit sa bahay naming maliit.

"Ate Tine?" napalingon ako sa tabi ng bahay ng marinig ang pag tawag.

Ang pinsan ko.

"Totoy!" lumapit ito sa amin at yumakap sa akin.

"Buti at nakauwi kayo ate" lumayo ito sa yakap at tumingin kay Farah.

"Ang laki mo na ah. Namiss ko kakulitan ko" pinisil nito ang pisnge ng bata na nakapag pa bungisngis dito.

"Ako din Kuya. Miss kita"

"Ate amina yan. Pasok na kayo. Kanina pa kayo inaantay ni Lola" kinuha nito ang mga nakasakbit na bag at dala dala ko.

"Halika na" binuksan ni Totoy ang pintuan ng bahay at naunang pumasok.

"Lola! Lola andito na ho sila Ate Tine" masaya nitong tawag kaya pag pasok namin nakita ko na si Lola na nag lalakad papalapit sa amin.

Parang mas lalo itong namayat.

"Apo" lalapit na sana ako para yakapin ito pero naunahan ako ni Apple na nag tatatakbo.

"Lolaaaaaa" yumakap ito sa binti ng matanda.

"Nako, ang laki laki mo na. Mukhang nanaba ka doon ah" pinisil ni Lola ang pisnge nito.

"Opo. Mabait po sila lahay doon po eh"

Natatawa akong lumapit kay Lola at tsaka yumakap ng umalis na si Apple.

"Lola, Happy birthday po"

"Salamat apo" lumayo ako sa yakap at tinignan ang pangangatawan ni Lola. Mukhang mas namayat talaga siya.

"Lola nakakinom ho ba kayo ng mga gamot ninyo? Bakit mukhang mas lalo kayo namamayat?" nag aalala kong tanong.

"Oo naman, apo. Kumpleto lahat ng mga gamot ko. Wga ka ng mag alala dyan"

Bumuntong hininga ako bago lingunin si Alejandro na pinapanood kami.

"Ah lola. Si sir Alejandro po nga pala at tsaka ho si Farah, anak niya" pag papakilala ko sa mga ito.

"Happy birthday ho" bati ni Alejandro.

"Salamat, Hijo"

Si Farah naman na parang nahihiya ay dahan dahan nag lakad papalapit kay Lola Caring at tumigil sa harap nito.

"H-Hello po" kinuha nito ang kanang kamay ni Lola at nag mano.

Pare-pareho kaming napangiti sa ginawa nito.

"Nako eh napakabait na bata naman nito" hinaplos ni Lola ang buhok ni Farah na nakapag pangiti dito.

"Osiya, Gutom ba kayo? Kumain na muna kayo bago mag pahinga"

"Nako, Hindi na ho. Busog pa ho kami at kumain din ho sa daan" si Alejandro ang sumagot dito.

"Oh eh mag pahinga nalamang kayo. Hijo ayos lang ba sayo na doon matulog sa kwarto nitong isa kong apo" tinuro ni Lola si Totoy na nasa likod niya.

Babysitting The Mayor's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon