Chapter 33

52.2K 1.4K 57
                                    



Chapter 33
School

Isang linggo na ang nakalipas mula ng makarating kami dito sa pilipinas. Wala naman kaming ibang ginawa ni Austine kung hindi tumambay dito sa bahay. Si Aiden ay laging busy sa opisina. Maagang maaga kung umalis tapos late na late na kung umuwi.

Nag karoon din ng kaibigan si Austine. Si Layla, Yung bata sa starbucks. Nakita namin ulit ito sa park ilang araw matapos mag kita sa starbucks. Nag aya kasi si Austine non para mag laro sa park.

May ipinakilala din si Layla na isa pang batang lalaki na kaibigan din daw niya. Si Harvey.

Malaki din ang pasasalamat ko at hindi naman sinabi ng kaibigan ni Alejandro na si Luke ang tungkol sa pag kikita namin kaya sa tingin ko'y wala pading nakakaalam na nandito kami.

Nandito sila ngayon sa bahay dahil weekend naman at wala silang mga pasok. Nasa likuran ng bahay at nag lulublob sa swimming pool.

"Marunong ka mag swimming?" nadinig kong tanong ni Layla.

"Hindi" si Austine.

"Ako marunong" sabat ni Harvey at biglang lumangoy papalayo sa hagdan ng pool kung saan sila nakaupo.

Nakabantay lang ako aa mga ito dahil 5ft ang pool. Baka mamaya ay malunod ang isa sa mga ito.

"Ako din!" sumunod si Layla sa pag langoy dito kaya naiwan si Austine sa hagdanan.

Nakita ko ang lungkot sa mukha niya at parang gustong gusto din sumunod sa dalawa ang kaso ay hindi pa siya marunong lumangoy.

Tumayo ako sa pag kakaupo sa reclining chair at tinabihan si Austine. Naupo ako sa tabi ng pool at inilublob ang paa.

"Austine, Gusto mo? Halika na" lumapit muli si Layla at inalok ang kamay nito.

"Oo nga" segunda ni Harvey ay inabot din ang kamay.

Nakangusong tumingin sa akin si Austine ng may pag aalinlangan.

"Hindi po naman siya bibitawan po" paniniguro ni Layla sa akin at ngumiti ng malaki.

"Sige na, Nak" tinanguan ko siya at itinuro ang kamay ng dalawang bata na nag aantay.

Ngumiti naman siya bago tangapin ang mga kamay nito at dahan dahan silang lumayo sa hagdanan. Ramdam ko ang kaba ni Austine noong una pero ng hindi siya bitawan ng dalawa hanggang sa makarating sila sa gitna ay sumigla ang mukha nito.

Nag daan ang buong mag hapon hanggang sa mag ala sais na ng gabi at kailangan ng umuwi nina Layla at Harvey. Sinundo ito ni Mia, Ang yaya ni Harvey.

"Babye Austine" sabay na paalam ng dalawang bata na nasa labas na ng pintuan.

"Babye din" kumaway siya sa mga ito.

Nang makaalis na ang mga bata, inaya ko na si Austine na pumasok sa loob.

"Halika ka, Nak. Ligo ka na para makapag pahinga ka na din" kinalong ko siya at inakyat papunta sa kwarto naming dalawa.

Babysitting The Mayor's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon