Chapter 18

63.7K 1.8K 150
                                    



Chapter 18
Coffee shop

"Doon lang ako." tinuro ko kay Farah ang waiting area. "Goodluck"

Ngumiti siya nang bahagya. Tumango tango ito at tsaka pumasok sa silid nila.
Nang makita kong nakaupo na ito sa upuan niya, dumaretsyo na ako sa waiting area.

"Oh, Mukha good mood alaga mo ah" Si Joana.

Natawa naman akong umupo sa tabi niya. Mabuti nga at simula umalis kami nang bahay hanggang makarating dito sa eskwelahan ay good mood si Farah. Hindi tulad dati na laging nakabusangot.

"Oo nga eh"

"Anong pinakain mo dyan at hindi ka iniirapan ngayon" biro naman ni Teri.

Napailing iling ako sa kanila. "Ewan ko sainyo" tumatawa kong ani.

Nang maibaba ko ang gamit na dala ko, naramdaman kong may nag vibrate sa bulsa ko. Kinuha ko iyon at nakitang tumatawag si Lola. Ngayon ko lang ulit siya makakausap.

"Saglit lang ah" Paalam ko sa dalawa na tumango naman sa akin.

Tumayo ako at pumunta sa may garden area ng eskwelahan kung saan walang tao.

"Hello Lola?" ani ko nang masagot ko ang tawag.

"Apo?"

"Lola!" tuwang tuwa kong tawag. Sobrang miss ko na sila.

"Apo, Ang tagal mong hindi tumawag"

"Oo nga ho lola, pasensya na ho medjo naging abala lang dito. Kamusta ho kayo dyan?" naupo ako sa isang mahabang bakal na upuan na nandoon.

"Ayos naman kami wag kang mag aalala. Ikaw ba? Mabait ba ang amo mo?"

"Oho naman La. Mabait ho sila"

"Mabuti kung ganoon"

Nako lola, kung alam niyo lang.

"Eh apo, Makaka uwi ba kayo sa isang linggo ni Apple?" nanlaki ang maya ko sa tanong nito.

Inilayo ko sa tenga ang telepono ko at tinignan ang date. Sasusunod na lingo napala ang kaarawan ni Lola.

"O-Oho naman La. Mag papaalam ho ako sa amo ko na uuwi ako dyan para sa kaarawan niyo. Mag hahanda ho tayo" pinasigla ko ang boses ko. Muntik ko ng malimuntan ang kaarawan ni Lola.

"Ay huwag ng mag handa apo. Basta't makauwi kayo ni Apple ha"

"Oho La, Uuwi ko kami"

Papayagan naman siguro ako ni Alejandro. Kahit ilang araw lang. Mag iisang taon na kaming hindi nakakabalik sa probinsya.

"Osiya at baka abala ka dyan. Tumawag nalang ulit kayo ha. Gusto kong makausap si Apple"

"Oho Lola. Tatawag ho ulit ako mamaya pag uwi namin."

"Osiya mag ingat kayo"

"Kayo din ho" sagot ko. Pag katapos non ay narinig ko na ang pag baba ng telepono.

"Hey" napalingon ako sa likuran ng may marinig na tumawag mula doon.

"Aiden" ang kaibigan ni Alejandro.

Nakapamulsa itong lumapit sa akin. Nakasuot siya ng pormal na polo at ang buhok ay ayos na ayos.

"Can i sit?" turo niya sa inuupuan ko ng makalapit.

Babysitting The Mayor's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon