Chapter 24

57.1K 1.6K 282
                                    



Chapter 24
Meet

"Dalhin mo na sa kwarto ni Farah ang dalawa. Pakibihasan na din" utos ni Alejandro sa katulong na tinawag niya pag kababa niya ng kotse.

Tinangal nito ang seatbelt ng dalawang bata at tsaka inabot sa katulong.

"Opo, Sir" hinawakan nito ang mag kabilang kamay ng mga bata. "Halika na kayo"

Nauna ng pumasok ang tatlo. Si Alejandro naman ay nilapitan si Clemetine na kakabukas lamang ng pintuan. Inilahad nito ang kamay niya para alalayan ang babae at tinangap naman nito iyon.

"You're still shaking" gamit ang mag kahawak nilang kamay, hinigit niya ang babae papayakap sa kaniya.

"Calm down, baby." ilang minuto niya hindi pinakawalan sa yakap si Clemetine at hinahaplos haplos lamang ang likod. Nang tumigil ang panginginig nito, kusa siyang lumayo at sinakop ng dalawa niyang palad ang pisnge ng babae.

"Let's talk in my room, hmm?"

Hihikbi hikbing tumango si Clemetine bago humawak sa kamay ni Alejandro at sabay na pumasok sa bahay.

Walang katulong na nasa salas kaya't walang nakakita sa kanila. Tumuloy na ang dalawa papaakyat, papunta sa kwarto ni Alejandro. Saktong bubuksan na ni Alejandro ang pintuan ng bumukas naman ang pintuan ng kwarto ni Farah.

"Nanay?" bakas sa pagtawag ni Apple ang lungkot.

Inayos ni Clemetine ang sarili at pinahid ang luha bago lingunin ang anak.

"Hmm?" pinilit niyang ngumiti at yumuko para maging kapantay ito.

Nag simula agad na mamula ang ilong ni Apple at ang mata'y maluha luha.

"Iyak ka po? Wag ka na iyak Nanay" iniyakap nito ang maliliit na braso papaikot sa batok ni Clemetine.

"Hindi, Anak. Hindi umiiyak si Nanay" hinarap niya ito. "Tahan na" pinunasan niya ang butil ng luhang pumatak sa pisnge nito.

"Ok po. Hindi na ako iiyak. Wag na ikaw iiyak, Nanay"

Tumango si Clemetine bilang sagot bago lingunin si Farah na may lungkot din sa mata habang nakatingin sakanila. Napansin niyang may dala dala itong mga laruan.

"Sige na. Mag laro na kayo, papahinga lang si Nanay"

Sabay na tumango ang dalawang bata. Binigyan pa siya ng matamis at malambot na halik ni Apple sa pisnge bago ito ayain ni Farah na bumaba na.

Muli niyang hinrapa si Alejandro ng makababa na ang tatlo. Hinila siya ng nobyo papasok ng kwarto.

Kusa na siyang naupo sa dulo ng kama at pilit inaalis sa isip ang pag kikita nila ng kapatid sa banyo ng mall.

"Tell me what happened. Why are you crying?" yumakap si Alejandro mula sa likod niya at ipinatong ang baba sa balikat niya.

"S-Si Ate" nag sisimula nanaman itong maging emosyonal.

"N-Nakita namin siya kanina sa mall. Nag aya lang mag banyo si Farah t-tapos pag labas namin nandoon din siya" nahihirapan nitong ikwento dahil nag babara nanaman ang lalamunan niya at nag tutuluan na ang luha.

"G-Gusto niyang kunin si Apple sa a-akin" doon na ito tuluyang humagulgol. Si Alejandro na nakikinig lamang at mag hinigpitan ang yakap at hinimas himas ang braso ng nobya gamit ang hinlalaki nito.

"Shhh" binigyan niya ng mahabang halik sa sintido si Clemetine na siya naman naka sandal sa balikat niya mula sa unahan.

"Alejandro, Ayoko" hinarap niya ito. "Ayoko. Ayokong makuha niya si Apple. Ayoko" todo iling ito.

Babysitting The Mayor's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon