Chapter 11

69.1K 2.1K 475
                                    

WARNING!
(Slight lang kalma)

Chapter 11
Room

"Tine, Come in" dinig kong tawag ni Sir sa akin pero nanatili akong nakatalikod at nakatakip ang mga kamay sa mata.

Paano ako papasok? Tanging tuwalya lamang na naka balot sa may bewang niya at tumutulo pa sa katawan niya ang tubig na ng gagaling sa buhok niya.

"E-Eh Sir, Hindi ho ba kayo muna mag bibihis? K-Kasi ho..."

Wala siyang suot pang itaas. Kitang kita ko ang hubad niyang katawan. Matitipunong dibdib at tsaka yung tinatawag nilang abs? walo ang sakaniya.

Narinig ko ang mahina niyang pag tawa. Naramdaman ko ang pag hawka ng isang kamay sa braso ko at iniharap ako sa kaniya.

Mabilis kong tinakpan ang mata ko para hindi iyon makita.

"Open your eyes Tine"

Mabilis akong umiling.

Gusto niya ba talagang makita ko ang katawan niya? Nakakahiya kaya.

"Tine" sabay ng pag tawag niya eh pag hawak sa kamay kong nakatakip sa mata at tinangal iyon. Pinikit ko ng madiin ang mga mata ko.

Narinig ko nanaman ang mahina niyang pag tawa at ramdam ko din na lumapit siya sa akin.

"Open your eyes" ramdam ko ang hininga niya sa sobrang lapit niya sa akin. Ang bango.

Hindi ko alam sa sarili ko pero bigla ko nalamang binuksan ang mga mata ko. Sumalubong sa akin ang berde niyang mata.

Napaka gwapo talaga.

Mabilis siyang ngumiti at tsaka ako hinila papaloob ng kwarto.

Sobrang lamig ng buong kwarto niya at tanging kulay itim at puti lamang ang makikita sa loob non. Madaming naka sabit ng painting at naka display na figurines.

Ang mamahal siguro non.

"You can start. Mag bibihis lang ako" ani niya ng maisara ang pinto.

Tumango ako sa kaniya at ibinaba ang hawak kong mga panglinis. Pumasok naman siya sa pintuan ng malaki niyang closet.

Saan ba ako mag sisimula?

Inuna kong lapitan ang bintana ng kwarto. Binuksan ko iyon at tumambad sa akin ang likurang bahagi ng bahay. Makikita doon ang garden nila at ang swimming pool.

Kinuha ko ang isang basahan at pinunanas ang salamin na bintana.

Sa katunayan nga'y halos wala namang lilinisin dito sa kwarto ni Sir. Sobrang linis naman. Kahit nga itong bintana'y wala masyadong alikabok.

Mabilis ko iyong natapos dahil wala namang masyadong dumi. Sinunod kong kunin ang mga papel na nakakalat sa isang lamesa. Ang kinuha ko lamang ay ang mga nasa basurahan at mga gusot na papel. Baka kasi importante ang iba.

Tambak tambak ng mga papel at folder ang lamesa nito. May nakita ako isang picture frame na ang litrato ay siya noong bata pa. Kinuha ko iyon at tinignan.

"Bata palang gwapo na talaga" bulong ko at hinaplos ang picture frame.

"Yeah? I'm handsome?" biglang sumulpot si Sir sa tabi ko.

"Ay gwapo!" agad kong nabitawan ang frame at ibinalik iyon sa pwesto.

Napatawa siya habang nag pupunas ng basang buhok.

Babysitting The Mayor's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon