Chapter 40

61.4K 1.6K 581
                                    



Chapter 40
Truth

"Ok ka lang ba?" tanong ni Farah kay Nico na nakaupo sa tabi nila ni Apple.

Hindi ito nag salita pero halata ko sa mukha niya ang takot. Hindi rin itong natingin kay Cherry.

"Happy birthday, Farah" Maarte nitong bati at lumapit kay Farah. May dala dala itong paper bag at inabot. "Here. My gift for you." ngumiti siya.

Tsk.

Napakaplastic ng ngiti.

"Thanks. Pero hindi na "Happy" ang birthday ko." seryoso ang mukha ni Farah at ibinaba lang sa sahig ang paper bag na bigay ni Cherry.

"Bakit naman?"

Nag tanong pa talaga ang bruha.

"May dumating kasing bruha" mahinang sabi niya pero sapat na iyong para madinig namin lahat. Madiin pa ang pagkakasabi nito ng bruha.

Napa awang ang mga labi ni Cherry sa nadinig. Parang gusto kong palakpakan si Farah sa ginawa niya. Totoo naman.

"Ehem" basag ni Alejandro sa katahimikan kaya napalingon sa kaniya si Cherry.

Napairap ako sa hangin ng malandi itong ngumiti. Hinawi pa ang buhok na nakatakip sa dibdib papatalikod para makita ang cleavage sa suot na dress.

Peke naman.

"Bakit ngayon mo lang inuwi si Nico? Saan mo siya dinala?" walang emosyong tanong nito.

"Alejandro..." nang aakit itong nag lakad papalapit at umupo sa arm rest ng inuupuang sofa ni Alejandro.

"Nalibang lang kami ni Nico sa kasayahan kagabi. You know...Pasyal pasyal." inilandas niya ang kamay sa braso ni Alejandro at hinimas himas yon.

Mag iinit na sana ang ulo pero napangisi ako sa kaniya ng padabog na hawiin yon ni Alejandro.

Buti nga.

"Landi"

Nanlaki ang mata ko sa mahinang sabi ni Farah habang pinapanood si Cherry. Nag tiim bagang si Cherry na narinig pala ang sinabi nito.

"What did you say?" naniningkit ang mata nitong nilapitan si Farah.

"Bruha na...Malandi" walang takot nitong ulit at nilalabanan ang titig ni Cherry.

"You!" nangigigil siya at halatang pigil na pigil ang kamay.

Kung wala siguro kami ngayon dito ay napag buhatan na niya ito ng kamay. Hindi naman ako papayag doon.

"What? You're gonna hit me again?" panghahamon nito.

"Hit you again?" takang tanong ni Alejandro.

Nag aalalang lumingon sa kaniya si Cherry.

"N-No! U-Uhmm...Nag bibiro lang si Farah." nilingon niya ulit si Farah at pinanlakihan ng mata. "Diba?"

Hindi sumagot si Farah at lumapit kay Alejandro. Naupo siya sa hita nito at yumakap.

"No, Dad. She always hit us. Pati si Apple and Nico." sumbong nito na mag nakapag pakunot ng noo ng ama nila.

Ibinaba niya si Farah sa pag kakakandong sa kaniya bago tumayo at harapin si Cherry. Kitang kong nag dilim ang mukha nito sa inis.

"You did what?" umiigting ang panga niya sa galit. Si Cherry naman ay napapaiwas ng tingin.

Babysitting The Mayor's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon