Chapter 17

64.8K 1.9K 68
                                    


Chapter 17
Fine

"Hmmm" nakapikit na unat ni Clementine pag kagising na pag kagising.

"Morning baby"

Automatikong nag bukas ang mga mata niya at nanlaki nang makitang nasa harap niya si Alejandro.

"Ah!" napaigta ito at napahawak sa dibdib.

"A-Ano ba!" nag iwas siya nang tingin at umupo. Sobrang lapit kasi ng mukha ng lalaki sa kaniya.

Bahagyang tumawa si Alejandro bago hapitin ang bewang. Niyakap mula sa likod at ipinatong ang baba sa balikat.

Si Clementine na pupungas pungas pa ay agad inikot ang mata sa kwarto.

Dito na pala ako nakatulog.

Napadako ang mata niya sa tabi ng kama at malaki ang pasasalamat niya na wala na doon si Farah.

"Anong oras na?" tanong niya kay Alejandro na nakayakap padin.

"7:30"

"Ano?" nanlaki ang mga mata niya at pumiglas para umalis sa yakap ng lalaki.

"Alejandro! Alas otso ang pasok ni Farah" tinampal niya ang kamay nitong nakapulupot para paalisin yon.

"It's her exam day. Ala una pa ang pasok niya" kalmadong sagot ng lalaki.

Para namang nabunutan ng tinik si Clementine ng maalalang exam daw nga pala. Mabuti nalang dahil kung hindi ay siguradong na late na sila.

"Teka, Mag luluto na ako"

"Nakaluto na" sumubsob ito sa leeg ng babae.

"Alejandro!" nakikilit niyang tawag st pilit lumalayo.

"Tara na. Bumaba na tayo" aya niya pero mag humigpit lang ang yakap ng lalaki.

"Mamaya na" parang bata nitong angal.

Nang harapin niya ito tsaka niya lang napansin ang suot. Mukhang papaalis na ito.

"May pasok ka. Tara na. Kumain ka na ba?"

Umiling si ang lalaki.

"Halika na. Kumain ka na muna" natangal na nito ang pag kakapulupot ng kamay sa bewang at tumayo mula sa kama ni Farah.

"I can't. I have a meeting at 8" sumunod nadin ito at tumayo.

"Edi ipagbabaon nalang kita"

Napangiti si Alejandro doon at mabilis na ninakawan ng halik si Clementine.

"Ano ba! Hindi pa ako nakakapag sipilyo" napatakip siya sa bibig.

"So? I don't care baby. Come on" kinuha nito ang kamay ng dalaga at hinila papalabas sa kwarto ng bata.

Pag labas sakto ay nakasalubong nila ang isa sa mga katulong na mas bata kay Clemetine. Nanlalaki ang mata nitong tumingin sa dalawa na kakalabas lang ng kwarto.

Mas lalo pa iyong nalaki ang mata niya nang bumaba iyon sa kamay ng dalawa na magkasaklob.

"G-Good morning po Sir" nahihiya itong bati ay tumabi.

"Morning" seryosong sagot ni Alejandro at nilagpasan lang ito, hila hila si Clementine.

Nakita ni Clemetine na nakangiti sa kaniya ang babae at sinundot pa ang tagiliran niya nang mag tapat sila.

Babysitting The Mayor's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon