Chapter 36

55.2K 1.5K 412
                                    



Chapter 36
Sick

"I'm sad na iniwan mo kami but i can't blame you." ani ni Farah habang kumakain ng tinapay. Nasa garden na kami ng eskwelahan nila at pinapanood ko lang siyang kumain ng snacks niya.

"It's because of Nico right?" dagdag niya na nakapag pakunot ng noo ko.

"N-Nico?"

"Yeah. Our brother. Dad and that Cherry's son."

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman sa sinabi nito. So tama nga ako. Anak nila yung batang sinundo nila Farah noon.

"Is he our brother also?" tanong niya tapos ay kumagat sa tinapay.

"Sino?"

"Yung bata na kasama mo. He's your son right? So he's also our brother? Si Dad naman ang daddy niya diba?" parang wala lang sa kaniya ang tanong.

"A-Ah...Farah wag mo muna iyong ikwekwento kahit kanino ha. Lalo na sa Daddy mo."

Matagal siya natahimik habang ngumunguya at tsaka pag kuwan ay tumango tango sa akin.

"Ok. It's ok. But i want to meet him soon. Gusto kong makilala ang brother ko."

Napangiti ako sa sinabi nito. Masaya ako at tanggap ni Farah si Austine bilang kapatid niya.

"Farah, Tungkol doon sa nabangit mo kanina...Sinasaktan ba kayo ni Ate?"

Natigil ito sa pag subo at dahan dahan iyong ibinaba. Malungkot siya tumango tango sa akin.

"Y-Yes. Lagi siyang pumupunta sa bahay. Halos araw araw. Pag wala si Dad at naguguluhan siya sa amin or ayaw namin siyang sundin, kinukurot niya kami or kaya naman pinapalo. Nico? He doesn't talk."

Nangunot ang noo ko at nag mas nag init ang dugo. Anong karapatan niyang gawin yon sa mga bata?

"What do you mean? Hindi siya nakakapag usap?"

Umiling si Farah sa akin.

"He's not mute. Pina check up na siya ni Dad noon kasi nga hindi siya nag sasalita pero hindi naman siya pipe. Bihirang hira siya umusap. Madalas pag kami lang ni Apple ang kamasa niya. Hindi niya kinakausap si Dad. We really don't know why pero sa tingin ko ay kasalanan nanaman yon ng Cherry na yon."

Ano naman kayang ginawa ni Ate sa bata?

"Alam ba to ng Daddy mo?"

Mabilis siyang umiling iling sa akin at ngumuso.

"Don't tell him. Sayo ko lang sinabi yon. Sabi ni Cherry wag daw kaming mag susumbong kahit kanino kasi pag nalaman niya dadalhin niya daw kami sa mga bad guys tapos ibebenta kami doon. Natakot kami ni Apple kasi nga lagi siyang nandoon sa bahay kaya hindi na kami nag sumbong kay Dad."

Walang hiya talaga! Nasaan ang konsensya ng babaeng yon? Matapos iwanan ng ganoon si Apple dati biglang babalik tapos ganito ang gagawin sa kanila? Wag ko lang talaga siyang makikita!

"Napunta pa ba siya ngayon sainyo?"

Tumango tango siya sa akin. "Kinukuha niya si Nico. Minsan kinabukasan na niya i uuwi or minsan naman gabi na niya binabalik sa amin. Lagi kong tinatanong si Nico kung sinaktan ba siya pero hindi naman daw. Ayaw naman niya sabihin kung saan sila nangaling."

"Don't worry. Hindi ko na hahayaang
maulit pa yon. May cellphone ka ba?"

Tumango ito at inilabas ang latest iphone galing sa bulsa niya.

Babysitting The Mayor's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon