Chapter 9

65.3K 2.1K 324
                                    



Chapter 9
Punishment

"S-Sir Aiden" napatayo ako habang kalong padin si Farah.

Natawa siyang lumapit sa amin.

"Aiden is fine. Wag ng Sir"

nahihiya naman ako tumango.

"Bakit nandito pa kayo?" tumingin siya sa relo niya. "Mag aalas otso na ah"

"Ah, inaantay po kasi namin si Sir Alejandro. Sabi niya po siya ang susundo sa amin at wag aalis hanggat wala siya" pag papaliwanag ko.

"Alejandro? Nasa bar siya" kunot noo at naka pamulsa niyang sabi.

"P-Po?"

"Nasa bar siya. Birthday ng kaibigan naming si Alfredo. Mukhang malabo na kayong masundo noon dahil sigurado akong lasing na yon ngayon"

"Bakit po pala kayo nandito? Hindi ba kayo kasama doon sa birthday" tanong ko sa kuryosidad.

"I pass. May kailangan pa kasi akong asikasuhin ang kinausap ko din iyong may ari ng school"

Ahh, kaya pala.

Kaso si Sir.

Anong oras na. Paano kami uuwi ni Farah? Hindi ko pa gaanong kasaulo ang daan dito at hindi naman ako makatawag sa bahay dahil na lowbat ako. Tsaka wala din pala ang driver.

"Come on, sumabay na kayo sa akin" bigla niyang yaya.

"Ay nako Aiden wag na. Ayos lang po. Mag aabang nalang kami ng masasakyan dyan sa labas" kinuha ko ang bag ni Farah at dahan dahang isinakbit sa isa kong balikat para hindi siya magising.

"No it's ok. Delekadong bumyahe pa kayo ni Farah ng ganitong oras. Tara na" aya niyang muli.

Nakakahiya naman kasi eh.

Pero sige na nga.

"E-Eh sige ho kung ayos lang talaga"

"Of course. Let's go?"

Tumango ako sa kaniya. Binigyan niya ako ng magandang ngiti at umuna ng mag lakad papunta sa parking lot. Wala ng ibang kotse doon bukod sa kaniya.

"Salamat" pag papasalamat ko dahil pinag buksan pa niya kami ng pinto sa unahan ng kotse.

Maingat akong pumasok doon para hindi magising si Farah. Isinara ni Aiden ang pintuan at tsaka umikot sa isang tabi.

Pag pasok niya, agad niyang binuksan ang kotse at nag drive.

Tahimik akong nakatingin sa labas dahil nahihiya din akong kausapin si Aiden. Sobrang lamig sa loob ng kotse at amoy na amoy din ang mabangong pabango niya.

"So...You have a daughter right?" tanong niya habang nasa kalagitnaan kami ng byahe.

"Ahh oo. Si Apple"

Tumango tango siya.

"Saan pala kayo galing?"

"Nueva Ecija."

Nilingon niya ako.

"Really? Ang layo pala"

"Oo. Ang Tiya Helen ko talaga ang nag tatrabaho kina Sir Alejandro. Kaso pinatigil na siya sa pag tatrabaho ng asawa niya kaya ako ang pumalit"

"Hmm...May naiwan kayong pamilya doon?"

"Oo. Ang lola ko at ang pamilya nila Tiya"

Muli siyang tumango.

Babysitting The Mayor's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon