Chapter 14

67K 1.9K 285
                                    

WARNING!!!

Chapter 14
Room

"Hindi mo na dapat sinigawan pa si Farah" Mahinahon kong sabi kay Alejandro na nakaupo sa harapan ng lamesa niya at busy sa laptop habang ako'y nakaupo sa dulo ng kama niya.

"She's too much. Hindi titigil ang isang yon hanggat hindi sinisigawan"

"Pero kahit na. Hind-" natigil ako nang bigla siyang tumayo sa pag kakaupo at hubadin ang suot niyang salamin.

Mahabagin.

Napaka gwapo!

Lumapit siya kinuupuan kong kama at tumabi sa akin.

"She doesn't have the rights to tell you that. At sinigaw sigawan ka pa." malakas itong bumuntong hininga. "Lagi niya bang sinasabi sayo yon?"

Bigla kong naalala nang sabihin din iyon sa akin ni Farah noong unang beses niya kaming nahuling nag hahalikan ni Alejandro. Pero ayokong sabihin. sa kaniya dahil baka mamaya'y mas lalo pa niya itong pagalitan.

"H-Hindi" umiiling kong sabi.

"Tine?" kumunot ang noo nito sa akin na parang sinusiguro kung nag sasabi ako ng totoo.

"Hindi talaga. Hayaan mo na si Farah. Baka ano...nagulat lang siya sa n-nakita kanina" nahihiya at kagat labi kong sabi. Kitang kita ko kanina ang inis sa mga mata ni Farah.

Nagulat ako nang biglang hawakan ni Alejandro ang dalawa kong mga kamay at halikan ang parehong likod ng palad ko.

"Tine...I meant what i said earlier" seryosong seryoso itong nakatitig sa mga mata ko.

"I really like you"

Agad nag init ang mga pisnge ko at ang tibok ng puso ko'y bumilis.

Gusto niya din ako.

Inangat niya ang isang kamay ss pisnge ko at hinaplos iyon nang maingat.

"G-Gusto din kita..." kagat labi kong pag amin.

Agad kong nakita ang saya sa mga berde nitong mata at sa malalaking ngiti sa labi. Mas lalong gumagwapo pag nakangiti!

Naalala ko nanaman ang sinabi ni Farah. Bakit ba ganon ang tingin niyang gagawin ko? Kahit naman wala kaming masyadong kaya, hindi ko iyon kayang gawin. Kung kailangan kong mag trabaho, mag tatrabaho ako para sa pamilya ko.

"Pero hindi totoo ang sinabi ni Farah. Hindi ko iyon kayang gawin Alejandro" nakanguso at iiling iling kong sabi. Baka kasi mamaya'y isipin niyang kaya ko lamang sinabing gusto ko din siya ay dahil doon.

Nabigla ako ng tumawa siya ng mahina bago ako hilahin papatayo at iupo sa kaniya mga kanduangan.

"A-Ano ba" nahihiya at tatayo na sana ako nang hilahin niya ako muli kaya napaupo ako at ang kabiyang dalawang braso'y pumulupot sa bewang ko.

"I know you won't do that, baby" sabay haplos sa mukha ko.

Hindi agad ako nakagalaw at nanatiling nakatitig sa mga mukha niyang sobrang lapit sa akin. Isang pulgada nalamang ang layo ng aming mga labi.

Babysitting The Mayor's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon