Chapter 39

58.2K 1.5K 260
                                    



Chapter 39
Birthday

"Anak huwag malikot doon ha." paalala ni Clementine sa anak habang nasa loob sila ng isang taxi at papunta sa bahay nina Layla.

Inimbita si Austine sa bahay ng mga Villega para mag laro. Pati ang iba nilang kaklase ay imbitado din.

"Opo, Mama. Play lang naman po kami po."

"HmmHmm. Susunduin din kita mamaya."

Malapit lapit lang din ang bahay ng mga Villega kaya't nakarating din agad sila sa tapat ng bahay nito.

"Kuya, Sandali lang ho. Paantay na ako." ani ni Clementine sa taxi driver na tumango naman sa kaniya.

"Austineeee!" tili ni Layla na nasa may gate lang pala. Kasama na nito si Harvey at nasa likuran nila si Jessy.

"Layla! Harvey!" tumakbo si Austine papalapit sa mga ito.

"Tine, Halika pasok na kayo." Yaya ni Jessy.

"I'm sorry, Jes, may pupuntahan pa kasi ako. Is it ok kung balikan ko nalang si Austine?"

"Oo naman. Walang problem, ako na ang bahala sa kaniya." nakangiting sagot ni Jessy.

"Osige, Mauna na rin ako" nilapitan niya si Austine na nakikipag kwentuhan na kila Layla.

"Nak, Aalis na si Mama. Wag malikot ha, Wag pasaway." paalala niya at inayos ang maliit na tuwalyang nasa likod nito.

"Opo, Mama." humalik ito sa labi ng Nanay niya bago ngumiti.

"Mauna na ako. Thank you, Jessy."

Sinagot siya ng ngiti nito bago iginaya ang mga bata papasok ng bahay nila. Nang makita ni Clementine na ayos na si Austine doon ay bumalik na siya sa loob ng taxi. Itinuro niya sa driver ang address ng dati niyang tinitirhan.

Kila Alejandro.

Today is Farah's birthday. Isang linggo siyang kinukulit nito at araw araw pinipilit na pumunta na sa kanila kaya ngayon ay papunta na siya doon. Ilang taon din niya itong hindi nakasama mag birthday.

Si Aiden, As usual maaga nanaman umalis at sigurado si Clemetine na gabing gabi nanaman ito uuwi.

Ipinatong niya sa kaniyang hita ang dala dala niyang paper bag kung saan nakalagay ang regalo niya kay Farah. Nalaman niyang mahilig ito sa dress at pabango kaya iyon ang binili niya.

"Kuya, Dyan ho sa puting bahay." turo niya ng matanaw na niya iyon.

Nag bayad siya sa taxi bago kabadong bumaba. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya.

Ganoon padin ang bahay...Tulad padin ng dati...






"Tine?" gulat na tawag sa akin ni Kuya Noel ng makita akong nasa labas ng gate. Nag mamadali itong lumapit at binuksan ang gate.

"Kuya" nakangiti kong bati.

"Kamusta ka na? Ang tagal mong nawala." tanong niya ng makapasok ako.

"Ayos lang ho." nakangiti kong sabi.

"Ahh...Kuya...May iba pa ho bang tao dyan sa loob?" tanong ko pero ang gusto ko lang talagang malaman ay kung nandoon din ba si Cherry sa loob.

"Wala and mga bata lang at si Sir."

Mabuti naman. Baka hindi na talaga ako makapag pigil pag nakita ko ang babaeng yon.

Babysitting The Mayor's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon