Chapter 31

53K 1.4K 70
                                    



Chapter 31
Office

"Mama! Mama doon pa po! One pa Mama" hilong hilo na ako pero tuloy padin si Austine sa pag hila sa akin papunta sa roller coaster na gusto niyang sakyan.

"Austine, Pahinga na muna. Pagod na ang Mama mo"

Malaki ang pasasalamat ko dahil pinigilan siya ni Aiden. Tumigil naman si Austine at tinungala ako. Tumango tango naman siya bilang pag payag at nag pakalong kay Aiden.

Hinawakan ni Aiden ang kamay ko at hinila papunta sa mga upuan sa tabi ng amusement park. Hapon na kaya naman hindi na ganoong kainit pero masusuka na talaga ako sa hilo sa mga gustong sakyan ng anak ko.

"Are you ok?" inabutan ako ni Aiden ng isa bottled water.

"Yes. Thank you" tinangap ko iyon at ininom para mabawasan ang pag kahilo.

Inupo ni Aiden si Austine sa tabi ko at kinuha ang back pack sa akin. Binuksan niya iyon para kuhanin ang maliit na tuwalya at pinunasan ang anak ko. May kaonting pawis ito sa noo at pati din sa likod.

"Are you having fun?" tanong niya kay Austine.

"Yes po. Ang saya ng rides." sagot nito at sumipsip sa straw ng binili namin kaninang juice.

Napatingin ako kay Aiden ng tumunog ang telepono nito. Kinuha niya iyon sa bulsa niya at tinginan kung sinong tumatawag.

"Saglit lang. Office" pinakita niya ang telepono kaya tumango tango ako. Tumayo ito at bahagyang lumayo bago sinagot ang tawag.

"Mama. Antok na po ako" yumakap ito sa akin at isinandal ang ulo.

"Uwi na tayo, nak. Intayin lang natin si Tito Aiden mo, hmm?"

Tumango tango naman si Austine bilang sagot at muling umayos ng upo para ubusin ang iniinom na juice.

Habang pinapanood ko si Aiden mula sa malayo nakita kong nag babago ang mood nito. Mukha siyang stress sa kausap at sinisigawan ito mula sa kabilang linya.

"Nak, Dito ka lang ha. Titignan ko lang ang Tito Aiden mo. Wag kang aalis dito"

"Opo Mama" tuloy lang ito sa pag sipsip sa juice niya.

Hindi naman gaanong kalayuan si Aiden sa amin kaya makikita ko padin pag umalis si Austine sa kinauupuan niya.

"Fuck!"

"Love?" tawag ko sa kaniya kaya napalingon siya sa akin.

Lumambot agad ang ekspresyon niya at lumapit sa akin. Pinulupot niya ang kamay sa bewang ko.

"Are you ok? Sino yon?" tanong ko.

"Work. Tsk. Nag ka problema daw sa kumpanya. Now i need to go back to the philippines"

Philippines?

Uuwi ng pilipinas?

Mas hinapit nito ang bewang ko at iniharap sa kaniya.

"Love, You don't have to go with me. It's ok. Gagawin ko nalang ang lahat para mapabilis ang pag aayos ng problema doon para makauwi agad ako dito, Hmm?"

Para akong nakahinga ng maayos sa sinabi nito. Ayokong umuwi dahil pakiramdam ko'y hindi ko pa kayang makita siya pero sa isang banda ay gusto ko din naman dahil sobrang miss na miss ko na si Apple.

Hindi ko na alam kung kamusta siya. Kung ayos lang ba siya. Si Farah, Maayos na kaya talaga silang dalawa? Nag kasundo na ba talaga sila? Naalagaan ba sila doon?

Babysitting The Mayor's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon