Chapter 37

57.3K 1.5K 445
                                    


Joke lang. Matitiis ko ba kayo? Eto na. Mag uupdate na!

Chapter 37
Condo

Napabalikwas ako ng bangon ng isang hindi pamilyar na kwarto ang bumungad sa akin. Kulay gray ang pintura ng pader at puro kulay puti at itim ang makikitang bagay sa loob ng kwarto.

Nasaan ako?

Napahawak ako sa ulo habang inaalala ang nangyari. Bibili lang ako ng gamot pero naalala kong nawalan ako ng malay sa loob ng taxi.

Saan ako dinala noong driver?

Mabilis akong tumayo sa kama. Nang ilibot ko ang paningin sa kwarto, nakakita ako ng isang maliit na orasan sa side table.

Ala sais na ng umaga. Kailangan ko ng makauwi. May sakit si Aiden tapos may pasok pa si Austine.

Kinuha ko ang wallet ko na nakapatong din sa side table at tsaka lumabas ng kwarto. Base sa nakikita ko, para akong nasa loob ng isang condo.

"You're awake."

Nangunot ang noo ko sa nag salita sa may kusina. Nag lakad ako papalapit doon at nanlaki ang mata ng makita si Alejandro na nag luluto.

"Anong ginagawa ko dito, Huh?" may halong inis na tanong ko.

Pinatay nito ang electric stove na pinag lulutuan. Dahan dahan siyang nag lakad papalapit sa akin. Naka suot lang ito ng shorts, Sando at ang salamin niya.

"Alejandro tinatanong kita." pilit kong tinitigasan ang boses ko kahit kabang kaba na sa pag lapit nito.

Kada hakbang niya papalapit sa akin, humahakbang din ako papaatras para hindi kami mag lapit.

Napapikit ako sa inis ng tumama na ang likod ko sa island table at tuluyan siyang nakalapit sa harapan ko.

Naramdaman ko ang kamay niyang tumuon sa island table sa dalawang tabi ko kaya para akong nakakulong sa bisig niya ngayon.

Nang buksan ko ang mga mata ko, Napalunok ako ng malakas ng halos mag dikit na ang mga mukha namin sa lapit niya.

"Bakit mo ba ako dinala dito? Ang kapal naman ng mukha mo." tinulak ko ang braso niya pero hindi ito natinag sa kinatatayuan.

"Ikaw pa ang may ganang magalit?"
kalmado pero may galit sa mata nitong sabi.

"Anong ako pa ang may ganang magalit? Dapat lang naman talaga akong magalit!" sigaw ko sa mukha niya na nakapag patiim bagang sa kaniya.

Ano yon? Siya pa ang galit ngayon at ako ang walang karapatang magalit? Tarantado ba to.

"Pag katapos mong mangaliwa at umalis ng ganon ganon nalang? Bakit hindi ako magagalit? May karapatan akong magalit kasi tangina niloko mo ko!"

Mas nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong nangaliwa? Anong niloko? Bakit nababaliktad?

"Anong nangaliwa?! Alejandro sa ating dalawa ikaw ang nangaliwa! Sayang saya ka pa nga noong gabing yon sa ilalim ni Ate hindi ba? Ang kapal ng mukha mong baliktarin ang nangyari!" nanginginig sa galit at pag pipigil ng iyak ko siyang itinulak ng malakas na malakas.

"What are you saying? You're the one who cheated on me! With Aiden!" sigaw niya habang dinuduro ako.

Tuluyan ng nag tuluan ang luha ko sa inis. Ako pa? Ako pa ang nag cheat?

"That time, noong sabi mong bibili ka ng ice cream, Diba sabi mo nag kataon lang na nag kita kayo ni Aiden doon?"

Napasunod ang tingin ko sa kamay niyang may kinuha sa bulsa niya. Ang telepono niya at parang may hinahanap doon.

Babysitting The Mayor's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon