Chapter 5

65.3K 2K 95
                                    



Chapter 5
Driver

"Masaya ako Nanay. Makakapunta ako sa isang eskwelahan. Nanay diba sabi mo sa susunod na taon mag aaral na din ako? Papasok na din ako sa ganon nanay?"sunog sunod niyang tanong habang isisnusuot ko sa kaniya ang tshirt na ibinigay ni Sir.

Bawat pamilya daw kasi ay may kaniya kaniyang kulay ng t-shirt at may nakasulat na apelyido sa likod.

Ang nakakahiya lang ay may nakasulat pang Mrs. Dela Fuente sa likod ng damit ko at kay sir ay Mr. Dela Fuente. Oo mag papangap akong nanay ni Farah pero parang nakakahiya namang may ganon pa.

"Oo anak. Ipapasok ka ni Nanay para matuto ka ng mag sulat at maka kilala ka ng mga kaibigan. Tsaka para na din mas maging mabuti ang pananalita mo" sinuklay ko ang buhok niya at itinali iyon ng dalawang tabi para hindi sumabog sa mukha niya mamaya. Madami daw kasing laro doon sabi ni Farah.

"Ayan, ang bango bango na ng anak ko. Paamoy nga" sinubsob ko ang mukha ko sa leeg niya pero sinamahan ko iyon ng kiliti kaya napatawa siya.

"Hihihi Nanay! Nanay kiliti po" tawang tawa ito.

"Hmm tama na nga at baka pawisan ka pa. Osige na, doon ka na muna kila Ate Wena at aayusin lang ni Nanay yung mga gamit ha."

"Opo Nanay" malambing siyang humalik sa akin at tsaka nag pababa sa kama at tumakbo papalabas.

Inayos ko ang damit kong suot at lumabas nadin para puntahan naman si Farah. Kumatok ako bago buksan ang pintuan nito.

Nakita ko siyang nakaupo sa harapan ng salamin niya at hirap na hirap itali ang buhok niya. Lagi kasing nakabagsak lang ang buhok nito.

"Gusto mo tulungan kita?"

Napalingon siya sa akin.

"No. Kaya ko" mataray niya akong tinalikuran at muling humarap sa salamin. Alam kong naiinis na siya dahil hinila niya papaalis ang tali kaya nag kabuhol buhol iyon sa buhok niya.

Tuluyan na akong pumasok sa kwarto niya at nilapitan. Ang kwarto niya'y hindi na tulad noon na magulo at puro kalat. Simula noong linisin ko to noon nakita kong nag tatapon na siya sa basurahan at inililigpit ang laruan niya.

"Amina. Baka mag buhol yan sige ka" may halong pananakot kong sabi.

Inis niyang ibinaba ang suklay sa lamesa kaya kinuha ko. Dahan dahan kong inalis ang nag buhol na tali sa buhok niya at tsaka iyon sinuklay.

Napagdesisyonan ko na ibraid ang buhok niya para din hindi kumalat mamaya. Medjo iba nga ang itsura niya ngayon. Oo nakasimangot padin palagi pero halata mo din ang pananabik niya sa family day na iyon.

"Ayan oh. Ang ganda ng buhok mo" hinaplos ko iyon para maayos. Nakita ko sa salamin ang pag irap niya ay tsaka bumaba sa inuupuang upuan.

"May bag ka na ba?" tanong ko.

Umiling siya sa akin habang inaayos ang sapatos niya.

Pumunta ako sa damitan niya para mamili ng back pack. Nakita ko ang isang magandang bag na kukay pink. Kinuha ko iyon at nilagyan ng extra niyang damit para pag pinawisan siya mamaya. Nag lagat na din ako ng extra paniyo at tuwalya.

Pag labas ko nakatutok nanaman siya sa pinapanood sa tv.

"Tara na" aya ko.

Pinatay niya ang tv at tsaka naunang tumakbo pababa.

"Farah wag kang tumakbo sa hagdan" habol habol ko ito pero wala. Mabilis na siyang naka baba.

Pag baba ko nandoon na si Sir sa salas at inaantay kami. Naka suot na ito ng pantalon at ang tshirt na tulad ng sa amin.

Ibinaba ko ang bag ni Farah at pumunta sa kusina para tawagin si Apple.

Naabutan ko siyang nakikipag kwentuhan sa iba pang mga katulong.

Napaka daldal.

"Anak tara na" lumapit ako sa ibinaba siya sa pag kakaupo sa lamesa.

"Babye po" kumaway siya sa mga kakwentuhan niya.

"Bye. Mag enjoy ka Apple"

Ngumiti pa si Apple at tsaka kami sabay na lumabas ng kusina. Pag balik namin sa salas nakita kong nag sasapatos na si Sir Alejandro at si Farah ay tahimik lang sa tabi niya.

Napatingin ito sa amin at nakita kong napatitig din siya kay Apple. Ang anak ko naman ay mukhang natakot at nag tago sa likod ko.

"Let's go. Malelate tayo" tumayo na siya at kinuha ang susi ng kotse.

Kinuha ko ang bag ni Farah at tsaka iginaya papalabas ang dalawang bata.

"Sasakay tayo dyan Nanay?" mahinang bulong ni Apple sa akin ng makita ang magarang kotse ni Sir. Tinanguan ko siya.

Napaka ganda naman kasi. Eto din yung kotseng sinakyan namin noon ng isinabay niya kami ni Farah. Napaka lamig sa loob.

Binuksan ni Sir ang pintuan ng likuran bago umikot papunta doon sa may harapan. Dare daretsyong pumasok si Farah at si Apple naman ay binuhat ko dahil hindi niya iyon abot.

"Wow" dinig kong muling bulong ng anak ko.

"First time?" seryoso ang mukha at nakadikwartong tanong ni Farah kay Apple habang inaayos ko ang mga seat belt nila. Ang turo ni Sir noon dapat daw sinisiguro ko ang seat belt ni Farah bago umalis.

"Ha?" takang tanong ng anak ko.

"Tsk. Ngayon ka lang nakasakay?" pag uulit niya.

"Oo. Wala kasing ganito samin eh" sagot naman ni Apple at naupo ng maayos. Nakita ko ang matagal na pag titig ni Farah sa kaniya bago nag iwas ng tingin at tumulala nalang sa labas ng bintana.

Papasok na rin sana ako para maupo sa tabi nila ng umusap si Sir Alejandro.

"Mukha ba akong driver?"

"P-Po?"

"I said mukha ba akong driver? Dito ka maupo sa unahan!"

Automatiko akong napababa sa kotse at tsaka lumipat sa harapan.

Buong byahe kaming tahimik lahat at wala ng nag salita.



FOLLOW,COMMENT&VOTE

FOLLOW,COMMENT&VOTE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Babysitting The Mayor's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon