Chapter 34

52.3K 1.5K 472
                                    



Chapter 34
Kids

"Wahhh. Let's go Mama!" excited na excited si Austine ng tumigil ang kotse ni Aiden sa labas ng eskwelahang papasukan nito.

Malapit lapit lang din ang eskwelahan na ito pero hindi ito yung eskwelahan ni Farah dati.

"Love, Anong oras ang uwian niya?" tanong ni Aiden na nakaupo sa driver seat. Nasa passenger seat ako at si Austine ay naka upo sa hita ko.

"4pm"

"Ok. Susunduin ko kayo. I think maaga akong makakauwi mamaya."

Tumango ako sa kaniya bago mabilis na humalik sa pisnge at bumaba ng kotse. Madaming bata at mga magulang din ang nag sisipasukan sa loob.

Kumaway pa ulit ako kay Aiden bago tumalikod at igaya si Austine papasok ng eskwelahan.

"Austineeee!!"

Sabay kaming napalingon sa pinangalingan ng malaksas na sigaw ng dalawang maliliit na boses.

Nakita kong tumatakbo papalapit sa amin sina Layla at Harvey na naka uniform din.

"Layla! Harvey!" masayang siyang lumapit sa dalawa.

"Let's go. Ipapakilala ka namin sa iba pa naming friends dito" halata ang excitement sa boses ni Layla.

lumingon sa akin si Austine na parang nag papaalam kaya tumango ako sa kaniya. Ngumiti siya ng malaki bago sumama kila Layla at tumakbo papalayo.

Lumapit sila sa tatlo pang bata at ipinakilala nila si Austine sa mga ito. Malaki ang ngiti sa labi ko dahil mukhang masayang masaya si Austine sa unang araw niya.

"You're Austine's Mom?"

Nilingon ko ang nag salita sa tabi ko.

Isang magandang babae. Sa tingin ko'y hindi nag kakalayo ang edad namin.

"Ahh, Yes" sagot ko at hinarap siya.

"I'm Jessy Villega. Layla's mom" pag papakilaa nito at inilahad ang kamay.

Ngumiti naman ako sa kaniya at tinangap ang kamay.

"Nice to meet you"

"Same too you. Halika, Doon tayo sa waiting area" aya niya at sabay kaming nag lakad papunta sa waiting ares. Madami ding mga magulang ang nakaupo doon.

"Salamat nga pala sa pag babantay sa kanila ah. Nako eh napaka kulit ni Layla, laging nag aaya na mag lalaro daw sainyo."

"Nako wala yon. Masaya nga ako at masaya si Austine dahil may mga kalaro."

Hindi ko na namalayan ang oras sa talaga naming mag kakwentuhan ni Jessy. Tungkol sa mga bata, Sa relasyon, Sa pag luluto at kung ano ano pa. Natutuwa akong kakwentuhan siya.

"Oh, Lunch time na pala." tsaka lang namin na pag tanto ng makitang tumatakbo na papalapit sa amin ang tatlo.

Lumapit sa akin si Austine ng may mga ngiti sa labi.

"How's your class?" tanong ko habang pinupunasan ang noo niya.

"So fun, Mama. Madami po ako nasagot kay teacher kanina. Tsaka po lapit po kami ng seats po nila Layla at Harvey po." masigla niyang kwento.

Hindi siya ganito noong nasa California kami. Tuwing pagkatapos ng klase niya at tatanungin ko kung kamusta, ngunguso lang ito at mag kikibit balikat.

Babysitting The Mayor's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon