CHAPTER 4

16 6 0
                                    

"Kuya!!"Sigaw ko habang naglalakad papunta sa kwarto nya.

"Bakit?!"Sigaw nya pabalik kaya binuksan ko yung pintuan ng kwarto nya at pumasok.

"Kuyaaa"Sabi ko tsaka pumunta sa kanya sabay yakap sa kanya.

"Why?"Tanong nya ulit.Ininglesh mo lang bhie :)

"Si Mommy at Daddy.. "Tugon ko tsaka tinignan sya.Naiiyak ako sa inis bwisit.

"Anong meron?Asan sila Mommy?"Tanong nya ulit ng nakatingin sakin.

"Nandun sila sa sala"Sabi ko habang nakayakap parin sa kanya.Di ko keri!!Dapat pala nagpalamon na lang ako sa lupa kanina.

"So ano ngang meron?"Tanong nya ulit.

"Inarrange Marriage nila ako"Sabi ko at umiyak.Di yung literal na iyak ah yung arte lang.

"A-arrange marriage?!"Tanong nya kaya tumango ako.Tinulak nya naman ako sa kama at kita kong lumabas sya ng kwarto.

"Yawa tinulak pa ko"Bulong ko at umirap.Okay na eh... Si Sicheng yung gusto ko.. Sya yung groom ko.Pero ano bah!!Di nga ko gusto nung tao wag nyo na kong ipagsiksikan Please lang.

KUN'S POV

"Mom!Dad!"Sigaw ko at bumaba ng hagdan.Kita ko namang nagtatawanan si Mommy at Daddy sa sala.

"Yes my Son~?"Tanong ni Mommy.

"Bat nyo naman po inarrange marriage si Kaira?Nagaaral pa po sya"Sabi ko habang nakatingin sa kanila.Bata pa baby sis ko.

"Oh alam mo na pala... Ano ka ba okay lang yan tsaka patapos na naman magaral si Kaira eh"Sabi ni Mommy sabay hila sakin paupo sa tabi nya.

"Pero Mom!Hindi pa ready si Kaira sa mga ganan...tsaka STRANGER, Mommy stranger papakasalan ni Kaira.Di ako payag."Pagmamatigas ko habang naka cross arm.

"Kun my Son.... Masyado ka namang seryoso at oa"Sabi ni Daddy kaya napatingin ako sa kanya.Alam nya yung Oa?

"Legit"Sabi ni Mommy Kaya napa face palm ako.Anong nangyayari sa pamilyang to.

"Kilala ni Kaira yung papakasalan nya, same school nga sila eh"Sabi ni Mommy kaya huminga ako ng malalim.

"Kahit na Mom."Sabi ko.

"Don't worry nak... Safe si Kaira dun"Sabi ni Mommy kaya nag face palm na lang ulit ako.

SICHENG'S POV

"Bukas maguusap kayo ni Kaira."Sabi ni Mama pero di ko sya pinansin kasi on game ako.

"Sicheng!"Sigaw ni Daddy kaya pinatay ko yung cellphone ko at tumingin sa kanila.

"Win...kelangan mong maging mabait kay Kaira.Pag narinig kong umayaw si Kaira sa Contract tatanggalan kita ng Allowance, ihohold ko yung mga credit cards mo.Di mo magagamit yung fave car mo."Pagbabanta ni Mommy kaya ginulo ko yung buhok ko.

Ang childish naman masyado.

"I don't want to marry her. I don't love her."Sabi ko at tumingin sa kanila ng walang ekspresyon.

I don't even know her tsk.

"But you have to."Sabi ni Daddy kaya napairap ako.

"Pano pag ayaw ko?"Tanong ko sa kanila.Bat ba ko nandito.

"Papalayasin kita.Without any money, things and so on from me."Sabi ni Papa kaya sinaway sya ni Mama.

"Honey!That's too harsh"Sabi ni Mama pero umirap lang ako.Ganan naman lagi kayo, lahat ng gusto nyo dapat masusunod.

"So pick... Marry her or papalayasin kita?"Sabi ni Papa kaya bumuntong hininga na lang ako.

"Oo na oo na"Sabi ko sabay Tayo at naglakad na lang papunta sa kwarto ko.

Nakakainis!

𝙔𝙤𝙪𝙧 𝙀𝙮𝙚𝙨 𝙏𝙚𝙡𝙡 |𝓓𝓸𝓷𝓰 𝓢𝓲𝓬𝓱𝓮𝓷𝓰Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon