CHAPTER 54

14 5 0
                                    

Nasa kotse ako ngayon kasama si Honey bunch ko dahil nag aya sya na kumain sa labas.

Di parin  nga ako maka move on dahil dun sa kanina eh.Di ko inexpect.

"We're here"Sabi ni Sicheng sabay park ng sasakyan sa parking area syempre.

"Let's go"Aya ni Sicheng at nauna ng bumaba ng sasakyan.

Tsk wala man lang ka roma romantic tong lalaking to eh.Gwapo gwapo tas di romantic.

"Baba"Utos nya pagkatapos mabuksan yung pintuan dito sa passenger side.

"Thank you"Mahina kong sabi sa kanya kasi kinikilig ako hehe.

Nababasa nya ba isipan ko?

SICHENG'S POV

"Pstt"Tawag ko sa kanya kaya napatingin sya sakin.

"Tapos ka na?" Tanong ko sabay tingin sa pagkain nya.Ang dami pang tira eh.

Busog ba sya?Edi dapat sinabi nya sakin para di ko na sya inaya diba... Jk.

"Ayoko na" Bulong nya sakin sabay inom ng tubig.

"Why?Di mo ba nagustuhan?"Tanong ko sa kanya na ikinailing nya naman.

"Nagustuhan" Maikling sagot nya kaya napataas yung isa kong kilay.

"Yun naman pala eh.Ba't ayaw mo na?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Madami na kasi akong nakain.... baka tumaba na ko"Sagot nya naman na ikinatawa ko ng mahina.

Seriously, Qian Kaira?

"Di yan.Finish your food na" Utos ko sa kanya bago sumubo ng pagkain.

"Okay"Sabi nya sabay subo agad ng pagkain.

Yung totoo??

"Dahan dahan lang" Sabi ko sa kanya kasi sunod sunod yung pagsubo NY sa pagkain.Role model nya ba ko?

"Tsk" Bulong ko ng makita ko bigla yung sauce sa gilid ng labi nya.Sabay mo pa yung kanin na nasa pisnge nya.

Napaka talaga nitong babaeng to.

"Oi.... Lapit ka" Utos ko sa kanya na ikinatingin nya naman sakin.

"Ha?" Tanong nya kaya napairap ako ng palihim.Ako na lang mag aadjust para sayo.

Lumapit na lang ako papalapit sa kanya at agad na pinunasan yung sauce dun sa gilid ng labi nya.Inalis ko na din yung kanin sa bandang pisnge nya.

"I can't believe na nagustuhan agad kita" Bulong ko sabay ayos ng upo.

"Malakas ako sayo eh" Rinig kong sabi nya kaya napatawa ako ng mahina.

Oo nga eh no?Parang may kasama tuloy akong bata.... Diba?

𝙔𝙤𝙪𝙧 𝙀𝙮𝙚𝙨 𝙏𝙚𝙡𝙡 |𝓓𝓸𝓷𝓰 𝓢𝓲𝓬𝓱𝓮𝓷𝓰Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon