CHAPTER 13

17 6 0
                                    

KAIRA'S POV

Nakabihis na ko at ngayon ay nababa na ng hagdan, nakita ko naman si Sicheng na nakaupo sa sofa kaya napangiti ako.

Ayokong seryosohin masyado yung sinabi nya bago kami ikasal hehe.Bala sya...mareject na kung mareject eh anong magagawa nya eh gusto ko talaga sya.

"I'm ready na Honey bunch ~"Sabi ko pagkatapos makababa ng hagdanan.Ang gwapo nya lalo sa suot nya ngayon hehe.Bat parang lahat ng sinusuot nya bagay sa kanya?Syempre mas bagay ako sa kanya owshi selp support.

"Bilisan mo"Sabi nya at nauna ng maglakad.Bastos talaga nito.

"Honey bunch ko weyt lang!"Sigaw ko tsaka tumakbo pasunod sa kanya.

Nasa labas na kami ng gate at laking pagtataka ko ng pumasok agad sya sa kotse nya.

Di nya ba ko pagbubuksan ng pintuan?Tsk walang ka roma romantic.

"Honey bun--"

"Bilisan mo"Pagpuputol nya sa sinabi ko.

"Sabi ko nga bilisan ko"Sabi ko at sumakay na sa backseat.

"Di ako driver mo.. Dito sa passenger seat"Sabi nya kaya napangiti ako.Buti naman napansin mo no!Tsk

Bumaba ako ng Kotse tsaka pumasok sa passenger seat at nag seat belt na rin.

Sobrang tahimik dito sa loob ng Kotse kaya tumingin ako sa kanya.Gusto ko sanang magsalita kaso baka mawalan sya ng mood hehe.



Maya Maya pa eh nandito na kami sa Grocery Store at kasalukuyang nakuha na ng pushing cart.Nasa likod ko lang si Sicheng at Ewan pero naeexcite ako yieeee.

Tinulak ko na yung pushing cart at Hindi ko alam kung saang direksyon ko ba to dadalhin.

"Ako na."Sabi ni Winwin tsaka inagaw sakin yung pushing cart kaya napangiti ako.May feels naman pala kahit papaano ang Dodong ko yieee~

"Saan tayo?"Tanong nya kaya napatingin ako sa buong paligid.

"Rice?"Suggest ko na ikinatango nya na lang bago itulak yung cart, syempre bilang mabait na wife sumunod na lang ako sa kanya.

_

Nandito parin kami at namimili.Ang seryoso ni Winwin mag grocery pero okay lang ang gwapo naman nya eh hehe.

Kita ko namang may pinuntahan si Sicheng dito sa snack section kaya sumunod ako sa kanya pero napahinto din ako kasi napansin kong ang husband slash boyfriend material nya sa pwesto nya ngayon, kaya nilabas ko yung cellphone ko sa sling bag ko tsaka pinicturan sya.

"Kahit likod ang gwapo"Bulong ko habang tinitignan yung picture nya.

"Ms.Qian"Rinig kong tawag ni Winwin sakin kaya napatingin ako sa kanya.

Grabe naman yang pagtawag na yan ang pormal :/

"Correction... I'm Mrs.Dong na"Pagmamayabang kong sabi sabay flip hair.

"Tsk... Pumili ka na ng gusto mo"Sabi nya sabay tingin dun sa mga chips.Lumapit naman ako sa kanya tsaka hinawakan yung braso nya.

"Anong ginagawa mo?"Cold nyang tanong kaya napataas ako ng isa kong kilay.

"Sabi mo pumili ako ng gusto ko... nakapili na ko"Sabi ko sabay ngiti sa kanya.

𝙔𝙤𝙪𝙧 𝙀𝙮𝙚𝙨 𝙏𝙚𝙡𝙡 |𝓓𝓸𝓷𝓰 𝓢𝓲𝓬𝓱𝓮𝓷𝓰Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon