CHAPTER 15

17 6 0
                                    

Naglalakad lakad lang ako dito sa Park na pinagiwanan sakin ni Winwin.

Tangina sabi isasama ako!Di naman nya sinabi na iiwan nya din pala ko dito, bwisit.

Napatingin naman ako sa cellphone ko dahil gusto kong tignan yung oras.Oras na pala para mag move on.. de jowk lang.Mag aalas Kwatro na ng hapon kaya pala wala ng masyadong init.

"Ang tagal naman ata ni Winwin"Tanong ko sa sarili ko kasi sabi nya diba babalikan nya daw ako... Ay I mean susunduin nya daw ako.

Dahil nangangalay na ko kakatayo eh pumunta ako sa may swing tsaka naupo.Kanina pa kasi ako nakatayo eh....iniintay ko sya.

"Sa araw-araw
Tanging ikaw ang palagi kong hinahangad
Laging tanaw
Sa 'yo ang ilaw na nagsisilbi kong liwanag"Kanta ko habang nagduduyan.Kesa sa mabaliw ako kakaantay sa kanya ikakanta ko na lang hehe.

"Labis ang ngiti kapag ika'y kaharap
Ramdam ko ang pagmamahal, giliw
Namumukod-tangi ka at walang katulad
Ikaw lang ang para sa 'kin"
Damang dama ko yung kanta kasi legit ganun yung nararamdaman ko kay Win hehe.

"Sa 'yo lang, sa 'yo lang ako uuwi
Kaya naman...
Dito ka sa piling ko
Oh, dito ka lang, dito ka lang
Bumabagal ang ikot ng mundo
Kapag ika'y nariyan, oh, aking tahanan"Bigla akong napatigil sa pagkanta ng may pumalakpak sa bandang gilid ko Kaya napalingon ako.

"Ang ganda ng boses mo"Compliment nya Kaya napangiti ako ng unti.

"Thank you po"Sabi ko tsaka nagduyan na lang ulit.

"I'm Jason"Sabi nya kaya napatingin ulit ako sa kanya.

So?De jowk lang

"Hello po"Bati ko tsaka ngumiti.Dinedma ko na lang ulit sya tsaka nag duyan na lang ulit.Pota asan na ba asawa ko?

"Don't you know me?"Tanong nya kaya napatingin ulit ako sa kanya.

"Hehe Hindi po....ngayon lang po kita nakita"Tugon ko na ikinatawa nya ng mahina.

"Same school tayo"Sabi nya ulit kaya tumawa na lang ako ng awkward.Yawa, Sino ka po ba.

"Kaira... Right?"Tanong nya na ikina shook ko ng unti.The heck pano nya nalaman?Sikat pala ko sa school namin.

"Opo"Sagot ko na ikinalapit nya sakin.Teka lang bat ka nalapit?!

"May boyfriend ka na?"Tanong nya kaya umiling ako.Wala akong boyfriend!Wala pa kong first kiss!Pero ehem... may asawa na ko hehehe.

"Good"Rinig kong bulong nya kaya napatayo na ko sa duyan.

"Alis na ko... nice to meet you"Sabi ko at maglalakad na Sana paalis ng magsalita sya.

"Usap muna tayo"Sabi nya kaya napatingin ako sa kanya.

"Ano... baka hinahanap na kasi ako ni Kuya"Tugon ko dito tsaka nagbow na sa kanya at naglakad na paalis.

𝙔𝙤𝙪𝙧 𝙀𝙮𝙚𝙨 𝙏𝙚𝙡𝙡 |𝓓𝓸𝓷𝓰 𝓢𝓲𝓬𝓱𝓮𝓷𝓰Where stories live. Discover now