CHAPTER 26

15 5 0
                                    

KAIRA'S POV

"Ang ikli naman ng suot mo.Magpalit ka nga"Sabi ni Winwin habang nakatingin sa phone nya.

"Loh maikli pa din to?Anong bang gusto mo?Magbistida na lang ako, ganun?!"Reklamo ko sa kanya kasi kanina nya pa ko pinapapalit ng mga damit na sinusuot ko.

Tsk di naman maikli eh.Sadyang di ka lang nakatingin sakin.

"Ang pangit din.Di bagay sayo"Sabi nya habang nagtatype sa phone nya.Kachat nanaman nito si Patricia.

"Okay na to!Nakailang palit na ko lahat na lang ayaw mo tsk" Reklamo ko sabay lakad papalabas ng bahay.

"San ka pupunta?!"Tanong nya kaya nilingon ko sya.Gago?

"Sabi mo pupunta tayo sa Ameusment Park"Tugon ko sa kanya.

"Wala akong sinasabing ganun ah!"Sabi nya kaya tinignan ko sya ng masama.

"Bala ka nga"Sabi ko at pumasok na lang ulit ng bahay.Kita ko naman na ginagaya nya ko kaya tinignan ko ulit sya ng masama.

"I'm just kidding... let's go"Sabi nya sabay lakad papalabas.

Dinodog show nya ba ko?

_

"Win, dito muna tayo!"Aya ko sa kanya sabay hila sa kanya dito sa Roller coaster hehe.

"Ayoko nga"Sabi nya habang nakatingin sakin.

"Bilis na~~"Sabi ko sabay pout sa kanya.Gago mukha na kong tanga dito oh.

Pumayag ka na kasi.

"Pangit mo"Sabi nya kaya hinila ko kaagad sya papunta dun sa bilihan ng ticket.Wag mo kong angasan Dong Sicheng... mas maangas ako sayo.

SICHENG'S POV

"WOOOO!!"Sigaw ng mga tao na nasa likod namin kaya nakisigaw din si Kaira.

"Wahhh!!"Sigaw nya sabay hawak sa kamay ko.Bilib ako sa kanya.Wow grabe.Sya lagi nag fifirst move.

Sarcastic ko na ba masyado?

"Win, smile ka naman!!"Sigaw nya sabay taas ng kamay ko na hawak nya.Kita ko naman syang sumisigaw habang nakangiti at mukhang masaya naman sya, di nga halata eh.

Makisigaw nga din ako.

"WOOO!!"Sigaw ko ng biglang bumaba yung sinasakyan namin.Ramdam ko naman na hinigpitan ni Kaira yung paghawak sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"ANG SAYAA!!"Sigaw nya sabay tingin sakin.Ewan ko pero napangiti na lang ako bigla at hindi ko alam kung anong dahilan.Baka siguro naeenjoy ko na yung ride na to kahit papaano?

KAIRA'S POV

"Grabe nakakatakot yung ride no?"Tanong ko sa kanya pagkatapos naming magride sa roller coaster.

"Oo... di nga halata yung takot mo kasi nakangiti ka eh"Sabi nya at nauna ng maglakad kaya napatawa ako sabay sunod sa kanya.

𝙔𝙤𝙪𝙧 𝙀𝙮𝙚𝙨 𝙏𝙚𝙡𝙡 |𝓓𝓸𝓷𝓰 𝓢𝓲𝓬𝓱𝓮𝓷𝓰Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon