CHAPTER 12

16 6 0
                                    


"Bye Kuya"Paalam ko kay Kuya sabay hug sa kanya.Alas syete na ng umaga at eto ang oras ng paglipat namin ni Win dun sa bahay kuno DAW namin.

"Mamimiss ka ni Kuya"Sabi ni Kuya sabay yakap sakin.

Kuys di naman ako mag iibang bansa, ez ka lang.

"Weh??"Tanong ko kaya napatawa sya.Niyakap ko sya pabalik ng mahigpit kasi mamimiss ko din sya.

"Tama na yan... Kala mo naman di magkikita eh"Sabi ni Mommy kaya bumitaw na ko sa yakap ni Kuya.

"Mommy naman!"Sabi ni Kuya kaya natawa si Mommy.

Ang gulo nila pakshet.

"Luna!Hatid mo na si Kaira!"Sigaw ni Mommy.

"Ma'am nandito lang po ako sa likod nyo"Sabi ni Ate Luna kaya napa face palm ako.Lagi na lang ganto pag Tinatawag nila si Ate Luna.

"Magiingat kayo dun Nak... love love lang kayo ni Win ah yiee~~"Pangaasar ni Mommy kaya tinanguan ko na lang sya.



SICHENG'S POV

Nandito na ko sa bahay DAW namin nung ASAWA ko DAW.Ang tagal nya, kanina pa ko nandito nagiintay.Sabi ni Mama hintayin ko daw sya bago ako pumasok kasi na kay Kaira daw yung susi :/

Maganda naman yung bahay, kasya sa buong pamilya.Kaso bat naman napakalaki ng binili nila Mama?Asang magkakababy kami nun tsk.Teka bat ko ba naisip yung baby.

"Win!!"Rinig kong tawag sakin kaya napalingon ako.Speaking of the devil.She's finally here.

"Buksan mo to"Utos ko sa kanya sabay turo sa pintuan.

"Grabe naman to!Di man lang mang greet muna eh tsk"Sabi nya tsaka pumunta sa pintuan.

KAIRA'S POV

"Grabe naman to!Di man lang mang greet muna eh tsk"Sabi ko tsaka pumunta sa pintuan at binuksan na.Kakahiya naman eh.

Di man lang bumati sakin eh tsk.

"Maaari ka na pong pumasok mahal na prinsipe"Sabi ko tsaka nag bow.Kita ko naman syang umirap kaya hinambahan ko sya ng palihim.

"Tsk pasalamat ka mahal kita eh"Bulong ko.

"Sa guest room ako matutulog."Cold nyang sabi tsaka nag lakad na ng tuluyan.

Guest room?Sa bagay okay na rin yun para di kami tabi... de jowk lang mas bet ko pag tabi kami... Jowk lang ulit.

Naglakad na ko papunta sa hagdanan kasama yung dalawa kong maleta.Meron pa kong ibang damit pero iniwan ko dun sa bahay.

Nandito na ko sa panghuling hagdan at isang hakbang na lang ay nandito na ko sa taas bitbit ang isa kong maleta.Tangina ambigat.

Kita ko namang lumabas si Winwin ng guest room kaya napangiti ako.

"ANG BIGAT NAMAN NITO GRABE!"Pagpaparinig ko sa kanya para tulungan nya ko hehe.

Nagkunwari akong di ko mabuhat yung maleta para mag mukhang realistic.Tinignan ko naman sya ng palihim tsaka umakting ulit na mabigat na mabigat yung maleta ko.

Kita ko naman syang tumingin sakin at naglakad papalapit sakin kaya umacting na ko ng todo.

"Grabe ang bigat naman nito!"Muling pagpaparinig ko.Nasa harapan ko na sya kaya napatingin ako sa kanya.

"Tabi"Sabi nya kaya napangiti ako tsaka tumabi.Tutulungan nya ko? yieee.

"Ang sweet naman ng Honey bu--"Di ko na natuloy yung sasabihin ko ng daanan nya lang ako at naglakad pababa ng hagdanan.

G-gago? :)

"S-sicheng!Di mo ba ko tutulungan dito?"Tanong ko sa kanya pero di nya ko Pinapansin at patuloy parin sa pagbaba ng hagdan.

Tsk kaiinis

_

Nandito na ko ngayon sa kwarto DAW naming dalawa ni Winwin.Kaso nga diba pinili nya yung Guest room kesa dito.

Kaya mag isa ako dito, bala sya eto na kwarto ko.Nagaayos na din ako ng mga gamit ko, buti naiakyat ko yung dalawang maleta dito ng di nababalian ng buto.De jowk ang oa masyado.

Napalingon naman ako sa pintuan ng may kumatok.Sino pa ba ang kakatok eh kaming dalawa lang naman ang nandito diba.

"Pasok!"Sigaw ko habang nagaayos ng mga damit ko.Rinig ko namang may nagbukas ng pintuan Kaya napatingin ako sa nagbukas.

"Wala tayong stock ng pagkain.Mag grocery ka"Utos nya habang nakatayo sa harapan ng pintuan.

Mag grocery ka?!Hibang ba sya?!

"Hoi!Oo gusto kita pero di mo ko katulong Dodong!"Pa sigaw kong sabi sa kanya na may halong pangaasar na ikinairap naman nya.

Abah!Ikaw pa galit beh?!

"Mag grocery ka na lang"Malamig nyang sabi.

"Samahan mo ko."Sabi ko habang nakatingin lang sa kanya.

"Yoko nga"Tugon nya sabay cross arms.

Apaka talaga nito tsk.

"Edi wag na mag grocery, bala ka jan"Sabi ko at tumalikod sa kanya.

Suyuin mo ko.Jk

"Oo na, sasama na tsk"Napilitang sabi nya tsaka naglakad na paalis sa kwarto.Bastos di man lang sinarado yung pintuan.

"Nga pala"Napatingin naman ako sa kanya sa gulat dahil bigla bigla na lang syang sumulpot.

"Ano?"Tanong ko.

"Stop calling me Dodong."Sabi nya at akmang aalis na Sana.

"Dodong ko~~"Mapang asar na tawag ko sa kanya na ikinatingin nya naman sakin ng masama.

"Dodong~"Muling asar ko sa kanya na ikinairap nya naman.

"Napaka pikunin talaga ng Dodong ko"Sabi ko at akmang lalapit sa kanya ng umalis na sya sa kwarto ko sabay sara ng pinto.Napatawa naman ako ng mahina kasi naasar ko nanaman sya.

Okay Dodong na Itatawag ko sa kanya hehe.

𝙔𝙤𝙪𝙧 𝙀𝙮𝙚𝙨 𝙏𝙚𝙡𝙡 |𝓓𝓸𝓷𝓰 𝓢𝓲𝓬𝓱𝓮𝓷𝓰Where stories live. Discover now