CHAPTER 59

13 5 0
                                    

"Ang daya mo!" Sigaw ko sa kanya habang natatawa.

Ilang beses nya na kasi akong natalo sa nilalaro naming mobile games.... not gonna lie pero ang galing ni Honeybunch mag laro.

"You're not just skilled enough, Woman." Sabi nya at lumapit sakin.

"Hmm?Bat ka nalapit?" Tanong ko na ikinataas ng isang kilay nya.

"May usapan tayo remember?Kung Sino matalo may pitik sa noo" Sabi nya na ikinanguso ko.

"Namumula na yung noo ko kakapitik mo" Sabi ko na ikinatawa nya ng mahina.

"Hindi ko kaya nilalakasan!Mahina nga lang yun eh" Sabi nya sabay ready ng kamay nya sa noo ko.

Tumingin naman ako sa kanya ng paawa effect pero tinawanan nya lang ako.

"Nahh di mag wowork yan"Sabi nya habang nailing iling pa.

"Bibilang ako" Sabi nya kaya pumikit na lang ako.

Tangina baka mabutas na yung noo ko.

"One... " Panimula nyang bilang.

Bilisan mo na mag bilang.Pa suspense ka pa jan eh.

"Two"

"Three" Sabi nya kaya napapikit ako ng mariin.

Nag antay lang ako ng pitik ng daliri nya sa noo ko pero wala parin akong naramdaman kaya dinilat ko na lang yung mata ko.Kita ko naman syang nakatingin lang sakin kaya nagtaka ako.

"Win, okay ka lang?" Bulong kong tanong sa kanya.

Di nya ko sinagot at pinagpatuloy parin yung pagtitig nya sakin.

"Baka matunaw ako nan" Sabi ko sabay tingin sa ibang direksyon.

Di ko kayang makipagtitigan sa kanya ng matagalan.Baka himatayin ako dito.

Bigla naman akong nagulat ng bigla nyang hawakan yung baba ko at inilingon sa kanya.

"Kaira" Tawag nya sa pangalan ko sabay tingin sa mga mata ko.

"Mmm?" Response ko sa kanya.

"Can I K--" Di nya na natuloy yung sasabihin nya ng biglang may kumalampag sa gate namin.

"Wait here, check ko lang yun" Sabi nya sabay tayo at lakad palabas ng bahay.

Ano kaya yung gusto nyang sabihin kanina.


SICHENG'S POV

"KAIRA!!"Sigaw ng isang lalaki kaya agad akong napatingin sa kanya.

Ikaw nanaman?

"Hoi!!Ilabas mo Girlfriend ko!" Sigaw nya sabay uga ng gate.

Tangina ba nito?Di ba sya napuruhan sa suntok ko sa kanya kagabi?

"What's your problem??" Iritado kong tanong sa kanya sabay labas ng gate at hinarap sya.

"Where's my Girlfriend?!" Tanong nya sabay hawak sa collar ng t shirt ko.

"I don't know.Why are you asking me that kind of question??Pake ko ba sa Gf mo?" Inis kong tanong sa kanya.

"Ilabas mo si Kaira!She's my girlfriend!She's mine!"Sabi nya sabay suntok sakin.

Napipikon na ko ng sobra dito.

"She's not  yours... and she will NEVER BE.Kaya pwede ba stop bothering her... O baka gusto mo pang ipahatid kita sa mga police para mapatigil ka?"Sabi ko sa kanya na ikinatawa nya.

What's funny...

"Win!Arat na-- Bakit nandito yan?" Gulat na tanong ni Kaira kaya napatingin ako sa kanya.

"Kaira!My love, please let's talk.Come with me" Sabi nung Jason at akmang bubuksan yung gate.

"What do you think you're doing right now?!" Tanong ko sa kanya sabay hawak sa collar nya.

I'm so fucking done with him.

"Let go of me." Utos nya sabay dukot ng kung ano sa likuran nya.

"Win!!Pumasok ka na dito!" Sigaw ni Kaira sakin.

"I said let go of me."Sabi nya ulit sabay tutok ng baril sa tyan ko.

Ano bang problema niya??

KAIRA'S POV

Agad kong tinawagan yung mga police at sinabi kung anong nangyayari ngayon.

Kinakabahan ako, baka barilin ni Jason si Sicheng.Pag nangyari talaga yun hinding Hindi ko sya mapapatawad.

"Kaira, come with me." Utos nya sakin sabay tutok ng baril sa ulo ni Sicheng kaya nabitawan ko yung cellphone ko.

"No!!Pumasok ka na sa loob.I'm completely fine." Sabi ni Winwin at kitang kita ko sa mata nya yung takot at pagaalala.

"Jason...Please, ibaba mo na yang baril mo." Pagmamakaawa ko sa kanya pero tinignan nya lang ako.

"Kaira!I said go inside!" Sigaw ni Winwin kaya lalong tinutok ni Jason yung baril sa sintido nya.

"I can pull this trigger anytime."Pananakot nya kaya agad akong lumabas ng gate at lumuhod sa harapan nya.

"Please, Jason.Tigilan mo na to, Please" Naiiyak kong sabi sa kanya habang nakaluhod.

"Kaira--"

"Shut up!" Sigaw ni Jason kay Winwin at akmang ipupukpok kay Sicheng yung baril.

"I'LL COME WITH YOU!!" Sigaw ko habang naiyak.

"Please don't hurt him.I love him more than my life" Halos pabulong kong sabi dahil sa takot at kaba.

"Let's go home." Sabi ni Jason at hahawakan sana yung kamay ko ng biglang may pumalibot samin na mga sasakyan ng pulis.

"DROP YOUR GUN!" Sigaw ng isang pulis sabay tutok ng mga baril nila kay Jason.

"Aishh" Bulong ni Jason sabay baba ng baril nya.Agad ko namang hinila si Winwin papalapit sakin at tinignan sya.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya at napaiyak na lang ulit ng makita ko yung dugo at maliit na sugat sa gilid ng labi nya.

"I'm okay" Sabi nya sabay tingin sa likod ko.

"You're under arrest--" Di na natuloy yung sasabihin nung police ng biglang may nagpaputok ng baril kasabay ng pagyakap sakin ni Winwin.Pinagpalit din ni Win yung posisyon nya sa posisyon ko na agad ko namang pinagtaka.

"Hmmm" Rinig kong bulong ni Sicheng bago ako yakapin ng mahigpit.

"Hulihin nyo na.Tumawag na kayo ng ambulansya" Rinig kong utos ng isang police.Tanginang yan, pulis ba talaga tong natawagan ko?

Teka....Ambulansya?Bakit?Para kanino?

"Win... you okay?"Tanong ko sabay tingin sa kanya.

Bigla naman akong naluha at nagulat ng may makita akong dugo sa tyan nya.

"I'm okay." Sabi nya sabay yakap ulit sakin.

"May dugo" Halos bulong kong sabi sa kanya habang natulo yung mga luha ko.

"Stop crying."Bulong nya sakin kaya napaluha lalo ako.

Nakakainis.Bat ba nangyayari tong mga to kung kelan ayos na kami.






𝙔𝙤𝙪𝙧 𝙀𝙮𝙚𝙨 𝙏𝙚𝙡𝙡 |𝓓𝓸𝓷𝓰 𝓢𝓲𝓬𝓱𝓮𝓷𝓰Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon