CHAPTER 10

20 6 0
                                    

Nandito na kami sa luxury hotel na malapit sa beach.Dito DAW kami mag ho-honeymoon.

Hinatid kami dito ni Ate Luna, at gusto nila Mommy makita nya kaming masaya ni Sicheng gaya ng nasabi namin dun sa Venue at syempre bilang patunay kelangan daw namin mag PIC at isend sa kanila.

"Win kinukulit na ko nila Mommy"Sabi ko sa kanya sabay upo sa kama.Nakatayo sya dun sa pinto habang naka sandal.

"Yaan mo sila"Sabi ni Winwin tsaka nag cross arms.

Napatingin naman ako sa cp ko ng mag vibrate sya bigla.

/ From Mommy:
Picture na magkasama kayo o tatanggalan namin kayo ng allowance at credit card?Nagdududa parin talaga kami./

"Grabe naman"Bulong ko at tumingin ulit kay Sicheng.Tumayo naman ako at lumapit sa kanya.

"Magpic na tayo"Sabi ko sakanya at ni ready na yung camera.

"I don't want to"Pagmamatigas nya kaya inirapan ko sya.Kala mo ikaw lang mataray ah!

"Picture o walang allowance at credit cards?"Tanong ko sa kanya kaya tumingin sya sakin ng masama sabay gulo ng buhok nya.

"Daming pakulo eh"Rinig kong bulong nya pero di ko na lang sya pinansin.

"Game"Sabi ko at tinaas yung camera para mahagip sya kasi nasalikod ko sya.

Di sya lumalapit sakin potah may nakakahawa ba kong sakit....

"Smile"Sabi ko at nag smile with peace sign, kita ko namang straight lang yung mukha nya sa camera habang naka peace sign din kaya napatawa ako ng mahina.

"Cute"Bulong ko at pipindutin na sana yung button ng may nag pop out na message.

"Weyt lang"Sabi ko tsaka tinignan yung message.

/ From Mommy:
Gusto naming pic yung nakangiti ka tapos nakayakap sa likod mo si Sicheng habang kiss yung pisnge mo. /

The fuck?Ayaw nga ng tao sa skin ship plss lang.

Baka di na ko kausapin nito pag nagawa na namin yung pic.Tsaka ehem... Ang Ano.. yung ene, de jowk lang.

"Anong sabi?"Tanong nya kaya tumingin ako sa kanya tsaka inabot sa kanya yung cellphone ko.

"What?"Tanong nya kaya sinenyasan ko syang kunin yung cp ko.Ginawa nya naman yun ng nagtataka kaya napangiti ako ng palihim.Ang kyut nya bat ganun.

"Basahin mo"Utos ko sa kanya.Kita ko naman yung reaction nya after nyang mabasa yung message ni Mommy.

"No way!"Sabi nya tsaka binigay sakin yung cellphone ko at maglalakad na sana paalis.

"Arte nito!"Reklamo ko sa kanya kaya napatingin sya sakin.

"Bilis na!"Sabi ko na ikinairap nya naman.

"Ayoko!"Sabi nya tsaka lumayo sakin.Lumapit naman ako sa kanya tsaka hinawakan yung kamay nya.Hinatak ko sya palapit sakin kaya napatingin sya sakin ng masama.

"Anong want mo?Mawalan ng Allowance at credit card... O mag picture lang?"Pabantang tanong ko sa kanya kaya napabuntong hininga sya ng malakas bago ako tignan.

"Bilisan mo mag pic."Cold nyang sabi kaya napangiti at tsaka tumalikod sa kanya at ni ready ulit yung camera.

"Game"Sabi ko tsaka tinaas yung Phone ko, kita ko naman sya na umirap sa camera kaya napatawa ako ng palihim.

𝙔𝙤𝙪𝙧 𝙀𝙮𝙚𝙨 𝙏𝙚𝙡𝙡 |𝓓𝓸𝓷𝓰 𝓢𝓲𝓬𝓱𝓮𝓷𝓰Where stories live. Discover now