CHAPTER 45

16 5 0
                                    

KAIRA'S POV

Nandito na ko sa harapan ng gate ng bahay ULIT namin ni Winwin.I can't believe na babalik ulit ako dito.Pero.... yeah aminin ko, I lowkey miss him.

"Oh"Rinig kong sabi ng isang tao na nasa likod ko kaya napalingon ako.

"Hi Kaira!"Bati nya sakin kaya napangiti ako ng awkward.

"Hello...What are you doing here Jason?"Tanong ko kasi ang imposible namang napadaan lang sya eh di naman sya dito nakatira diba.

"Bibisitahin ko lang yung friend ko dito... eh sakto nakita kita kaya nangamusta na rin"Sabi nya kaya tumango na lang ako.Na wiwirduhan talaga ko sa kanya huhu sorry.

"Ikaw lang ba nakatira dito?"Tanong nya kaya napatingin ako sa bahay.Sasagot na sana ako sa tanong nya ng may humintong kotse sa harapan namin.

"Wait kotse to ni Winwin ah?"Bulong ko habang iniintay na lumabas yung nasa loob ng kotse.

"May bisita ka?"Tanong ni Jason habang nakatingin din dun sa kotse.Kita ko namang lumabas si Sicheng kaya napatingin ako sa ibang direksyon.

"Ikaw nanaman?"Tanong ni Jason kaya napatingin ako sa kinakausap nya.

"So??"Tanong ni Sicheng kay Jason.Angas nya talagang tignan.

"Why are you here?"Tanong ni Jason kaya napatingin ako sa kanya.Teka nga bat parang baliktad?Dapat si Sicheng nagtatanong nan eh.

"Kasi dito ako nakatira?"Sabi ni Sicheng sabay lapit sakin.Kita ko naman syang ngumiti ng unti sabay hablot ng gamit na dala ko.

"Hey!Anong gagawin mo?Magnanakaw ka ba?"Tanong ni Jason sabay lapit kay Sicheng.

"Excuse me?Tol...Sating dalawa ikaw yung mas mukhang magnanakaw."Sabi ni Sicheng kaya napabuka ako ng bibig.

Boom!

"Bigay mo na lang sa kanya yung gamit nya, tol"Sabi ni Jason at aagawin sana yung mga gamit ko ng itaas ni Sicheng yung bag ko.

Matangkad si Sicheng kaya may alas sya, dagdag mo pa na gwapo din sya--

"Teka nga... sino ka ba?"Tanong ni Jason ng may bahid na inis sa boses nya.Teka bat ba napakainit ng ulo nya kay Winwin?

"I'm Dong Sicheng"Sabi ni Winwin sabay bukas ng gate.Kita ko namang tumingin si Sicheng sakin at sinenyasan akong pumasok.

Ang gentleman nya ngayon ah?

"Wait!"Sabi ni Jason sabay harang sa harapan ko.

Problema ba nito?Minsan na nga lang maging gentleman yung tao sisirain mo pa--jk.

"Ano bang problema mo, Pre?"Tanong ni Sicheng at bahid na sa boses nya yung inis.Bala ka jan Jason, labas ako Jan ah.Di na nga ko nakibo dito eh.

"Eh ikaw anong problema mo?"Tanong ni Jason na ikinairap ni Sicheng.Gwapo kahit nairap--

"Ikaw yung problema ko, Pre"Sagot ni Sicheng.

Pinagaawayan ba nila ko?Charot yawa ang kapal naman ng mukha ko diba?

"Pasensya ka na Pre pero hindi sasama sayo si Kaira"Sabi ni Jason kaya napatingin ako sa kanya.

Huh?

"Bro... she's my wife, bat sya di pwedeng sumama sakin?"Iritadong sabi ni Sicheng kaya again umiral nanaman karupokpokan ko.

Wala talagang use yung mga advice nila sakin....

"Wife?Dude she's single... wife?Hibang ka ba?"Tanong ni Jason kaya napaubo ako.

"Sa tingin mo, sino satin mas mukhang hibang?You even introduce yourself to me as Kaira's Boyfriend."Sabi ni Sicheng kaya napatingin ako kay Jason.

Gago?

"So what?"Tanong ni Jason kaya umubo na ko ng malakas.

"Pwede ba tumigil na kayo parang awa nyo na.Napakainit dito sa labas"Reklamo ko na ikinatingin sakin ni Sicheng.

"Gabi na... wala ng araw"Sagot ni Sicheng kaya tinignan ko sya ng masama.

Panira naman to eh.

"Diba pupunta ka sa kaibigan mo?"Tanong ko kay Jason.

"How?Mukhang delikado ka dito sa lalaking to eh... OBSESSED!"Sabi ni Jason kay Sicheng.

Obsessed... si Sicheng saken?Teh ano ba ang labo.

Sana nga--

"Of course I'm obsessed with her... she's my wife, remember?"Sabi ni Sicheng sabay hawak ng kamay ko.Pinasok nya naman ako sa loob ng gate kaya napatingin ako sa kanya.

"Pumunta ka na sa pupuntahan mo... MY WIFE is safe with me."Sabi ni Sicheng sabay sara ng gate.Hinila nya naman ako papasok ng bahay kaya di ko maiwasang ngumiti ng palihim.

Pinagdiinan nya talaga yung word na Wife ah.

"Do you know that guy really well?"Tanong nya sakin sabay bigay ng bag ko.

"Ewan?Nakilala ko lang naman sya dun sa park eh... dun sa pinagiwanan mo sakin, tanda mo pa?"Tanong ko sa kanya na ikinaiwas nya ng tingin sakin.

"May tanong ako"Sabi ko kasi nasa good mood ako ngayon.Di ko akalain na ganto pala talaga ako karupok.

"Hmmm?"Sabi nya sabay tingin sakin.

"Namiss mo ba ko?"Tanong ko sa kanya.Syempre joke lang.Sino ba ko para ma miss mo diba?

"Joke lang wag mong seryosohin"Sabi ko kasi di sya nakibo.Nilagpasan ko na lang sya at pumunta na lang sa hagdanan.

"Yes"Rinig kong sabi nya kaya napalingon ako sa kanya.

"Di ko narinig"Sabi ko sabay lapit sa kanya.Masyado ba talaga kong marupok sa kanya?

"Yes"Rinig kong bulong nya habang nakaiwas ng tingin kaya tinignan ko sya.

"Di ko talaga marinig"Sabi ko na ikinatingin nya sakin.Napatingin naman ako sa mata nya kaya nanlambot nanaman ako.

"Yes.... I miss you"Sabi nya habang nakatingin din sa mga mata ko kaya nanlambot mga tuhod ko.

His eyes never lie...

at isa yun sa mga rason kung bakit ko sya nagustuhan ng ganto.

𝙔𝙤𝙪𝙧 𝙀𝙮𝙚𝙨 𝙏𝙚𝙡𝙡 |𝓓𝓸𝓷𝓰 𝓢𝓲𝓬𝓱𝓮𝓷𝓰Where stories live. Discover now