CHAPTER 19

15 6 0
                                    

Nakahiga ako ngayon sa sofa habang nanonood ng Netflix.Kasama ko si Sicheng ngayon at ewan ko bat di pa sya lumalayas.Jk.

"Umupo ka nga"Utos ng manhid nyong ferson.Tsk istorbo nanonood ng tahimik yung tao eh.

"Kiss mo muna ko"Biro ko tsaka tinuro yung lips ko.Syempre joke lang yun.Anyways naupo na lang ako kasi baka bumuga pa sya ng apoy sa inis.

"Yuck"Sabi nya tsaka hinigit yung paa ko kaya bumagsak ako sa sahig.Nagtitimpi na talaga ko sayo Dodong.

"Hoi!"Sigaw ko sa kanya pero di nya ko pinansin at nanood na lang ng netflix.Himala di sya pumunta sa gf nya.

"Dun ka na sa gf mo."Sabi ko tsaka umupo ng maayos sa sofa.Nakaupo din sya sa sofa pero dun sa bandang dulo kaya dito din ako sa kabilang dulo umupo.Bala sya.

"Manahimik ka nga"Inis nyang sabi tsaka nanood na lang.Edi wow tsk.

"Matagal na ba kayo ng kabit mo?"Bulong ko sabay sandal sa sofa.Binulong ko na lang baka marinig eh.

"2 years na kami, kaya di ko sya kabit."Sabi nya kaya napatingin ako sa kanya.Narinig nya yun?

Sakit naman nun.2 years na pala sila.

"Tsk mas matagal pa yung pagkagusto ko sayo kesa sa relasyon nyo eh"Bida kong sabi tsaka nag dekwatro.Idadaan ko na lang sa Biro yung peyn sige.

"Sinabi ko bang magustuhan mo ko?"Sabi nya habang nakatutok parin sa Panonood.

"Bakit sinabi ko bang painlabin mo ko?"Panggagago kong tanong sa kanya kaya hinagisan nya ko ng maliit na unan na nandito sa sofa.

"Shut up!Di ko sila marinig"Pananaway nya sakin.

Mas mahalaga pa ata yung Tv na yan kesa sakin eh.

Magsasalita pa Sana ako ng may kumatok sa pintuan.Napatingin naman ako kay Honey-- ehem kay Winwin pala tsk.Di na muna kita Honey Bunch!Di mo pa ko sinusuyo!Tsaka....sabi mo kagabi love mo yung gf mo.

Nakakaselos ng malala hayup.Nagmumukha akong naninira ng relasyon.

"Sino yun?"Tanong ko sa kanya.

"Mukha ba kong manghuhula?Pagbuksan mo kaya para malaman mo"Malamig nyang sabi kaya inirapan ko na lang sya.Tsk wala talaga kong pagasa dito eh.

Tumayo na lang ako at naglakad papunta sa main door.Binuksan ko naman yun at nagulat naman ako ng biglang sumigaw yung nasa harapan ko.

"SURPRISE!!"Sabay na sigaw ni Mommy at Mrs.Dong na ikinahawak ko naman sa dibdib ko dahil sa gulat.

"Dito kami mag oover night SiRa couple"Sabi ni Mommy tsaka pumasok ng tuluyan sa loob ng bahay.

SiRa? SIcheng and KaiRA... SiRa?
Tangina?

"Mama?"Rinig kong tanong ni Sicheng kaya napairap ako.Ano mag KUKUNWARI nanaman tayo beh?

Sinara ko na yung pinto tsaka naglakad papunta sa sofa.

"Upo po kayo"Mabait kong alok kela Mommy pero di nila ko pinansin.

"Magluluto kami ng miryenda natin!Kaya madami kaming bitbitin ni Kumare"Masayang sabi ni Mommy kaya napangiti ako ng awkward.

Di ka naman masyadong masaya Mi.

"Ano kamusta na kayong dalawa?Balita ko Mahal nyo na talaga ang isa't isa ah yieee"Sabi nung Mama ni Winwin kaya napatingin ako sa iba.

Mahal na Mahal po ako ni Winwin... kaya nga araw araw nyang pinupuntahan yung Girlfriend nya para magkasama sila sa buong araw eh.

Ganun nya ko ka Mahal.

"Okay naman po"Sabi ko tsaka tinignan si Winwin.Teka alam ba ni Mama Dong na merong Gf si Winwin?

"Ah nga pala Tita"Sabi ko kay Mrs.Dong.

"Yes, Nak?"Tanong ni Mrs.Dong kaya tumingin ako kay Winwin tsaka ngumiti ng mala dimonyo.

"Alam nyo po ba may g--"Di ko na natuloy yung sasabihin ko ng takpan ni Sicheng yung bunganga ko sabay yakap sakin sa likuran.

"May garapata daw po sa bubong"Sabi ni Winwin habang natawa ng awkward.

So di Alam nila Tita?HE.HE.HE.
Pwede kong gamitin yun panakot sakanya.Wala kasi tong takot sakin eh.

"Garapata sa bubong?"Takang tanong ni Tita kaya tumango na lang ako.Tinanggal naman ni Winwin yung kamay nya sa bibig ko at hinila ako papaupo.

"Oo Ma... pero wala na po, lumipad na po sila"Sabi ni Winwin kaya napatahimik si Tita.Nagkaroon ng kunting katahimikan at bigla na lang akong nagulat ng tumawa ng malakas si Tita na sinabayan ni Mommy.

"Ang funny mo na Anak ko!Grabe iba pala pag alagang Kaira"Sabi ni Tita habang natawa.

"Hahahaha o-opo"Pekeng tawa ni Winwin kaya hinampas ko sya ng mahina.

Apaka plastic nito.Pati Nanay nya pinaplastic eh, tsk.

𝙔𝙤𝙪𝙧 𝙀𝙮𝙚𝙨 𝙏𝙚𝙡𝙡 |𝓓𝓸𝓷𝓰 𝓢𝓲𝓬𝓱𝓮𝓷𝓰Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon