CHAPTER 39

14 5 0
                                    

KAIRA'S POV

Nandito ako ngayon sa park malapit sa bahay namin at nagmumuni muni.

Di ko alam yung nararamdaman ko ngayon.Dinaig pa ng feelings ko ngayon yung halo-halo sa dami ng feelings na nararamdaman ko ngayon.Nag mix na silang lahat kaya mukha na kong ewan dito sa park.

"Ang hirap pala ng one sided love"Bulong ko sabay tulak ng duyan.Actully di ako nakasakay eh.Trip ko lang syang itulak.

"Miss okay ka lang?"Tanong ng taong nasa likod ko ngayon kaya napalingon ako sa kanya.

"Oh sampu!"Sabi ko sabay kaway sa kanya.Putangina mukha ba kong tanga dito?

"Gaga ka anong ginagawa mo?"Tanong nya kaya napatingin ako sa ginagawa ko.

"Tinutulak yung duyan?"Di ko sure na sagot sa kanya kaya napatawa sya.

"Sakyan mo kaya teh"Sabi nya sabay upo dun sa kabilang duyan.Nakigaya naman ako sa kanya kaya napatawa sya ng mahina.

"Anyari sayo?Bakit para kang binagsakan ng langit at lupa?"Tanong nya kaya tinignan ko sya habang nagduduyan ng mabagal.

"Wala na kami.I mean, wala na yung contract"Sabi ko sa kanya at ewan ko kung bakit naiiyak yung puso ko ngayon.

Ganun ko na ba talaga sya kamahal?

"Kelan pa?"Tanong nya kaya napatingin ako sa iba.

"Kani kanina lang"Sagot ko habang pinipigil na maluha.Ayokong maging madrama... nakakabawas lang ng kaangasan.

"Are you okay?"Tanong nya at bahid sa boses nya ngayon yung pagaalala kaya napatingin ako sa kanya.

"Do... Do I look like I'm okay?"Tanong ko sa kanya na ikinailing nya ng dahan dahan.

"Ang sakit pala mapasok sa isang one sided love"Sabi ko na ikinatango nya.

"Naranasan mo na din??"Tanong ko sa kanya at nalungkot naman ako kasi tumango sya.

"Ouch...Umamin ka na ba sa kanya?"Tanong ko at kita ko namang napailing sya kaya napakunot yung noo ko.

"Huh?Eh bakit hindi pa?Malay mo gusto ka din pala diba"Sabi ko sa kanya.De Jowk lang.Ako nga umamin eh, kaso it turns out na lubayan ko daw sya.

"Imposible..... may gusto syang iba eh."Sagot nya kaya pinat ko na lang yung balikat nya.

"Pero.... di mo malalaman yung tunay na sagot pag di ka umamin. Tsaka sabi nila mas mahirap daw mag move on pag di mo nasabi yung feelings mo sa taong gusto mo"Sabi ko na ikinatingin nya sakin.

"Ayoko"Sabi nya kaya nagtaka ako.

"Ng alen?Ayaw mo ng alin?"Tanong ko sa kanya kasi di ko gets.

"Ayoko......ayokong mag move on sayo."Sabi nya habang nakatingin sa mga mata ko.

Sakin?Ayaw nya mag move on sakin?

So... ako yung taong tinutukoy nya ganun ba?

No......... way.

𝙔𝙤𝙪𝙧 𝙀𝙮𝙚𝙨 𝙏𝙚𝙡𝙡 |𝓓𝓸𝓷𝓰 𝓢𝓲𝓬𝓱𝓮𝓷𝓰Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon