CHAPTER 23

15 6 0
                                    

4 a.m na ako ng umaga nagising dahil gusto ko talagang mafall sakin si Winwin.Oo....

Nandito ako ngayon sa kusina at iniisip kung anong pwedeng maluto na almusal.Ano bang pwede pakshet?

"Pancake na lang kaya?"Tanong ko sa sarili ko at naghanap kung meron bang Harina sa pantry.Buti na lang at may nakita ako kaya nagsimula na kong gumawa ng pancake.

Nagluluto lang ako dito ng tahimik hanggang sa may marinig akong yapak na nagmumula sa likuran ko kaya napalingon ako.

"Ang aga mo namang magising"Sabi nya sabay punta sa ref na nasa gilid ko.

"Nag nescafe kasi ako kagabi"Sabi ko kaya napatingin sya sakin habang nainom.

"So?Anong connect?"Tanong nya kaya napangiti ako sa kanya.Wew ang tino nya ng kausap ngayon.Ah lab et.

"Para sayo ako bumabangon"Sabi ko sabay kindat sa kanya.Kita ko naman syang tumingin sakin ng blangko kaya chineck ko na lang yung niluluto ko.Pangit talaga nitong ka bonding eh.

"Korni mo"Sabi nya sabay balik ng tubig sa ref.

"Babalik ka sa pagtulog?"Tanong ko sa kanya.Pinatay ko na yung electric stove dahil limang pancake na yung nagawa ko.Kasya na samin to di naman ata sya ganun ka hilig sa pancake eh.

"Nawala na antok ko ng makita ko mukha mo.... nakakatakot ba naman."Sabi nya kaya binato ko sya ng pancake.

"Hoi!!Ang init!"Sigaw nya sabay bato pabalik sakin nung pancake

Tf?

"Hoi nagaaksaya ka ng pagkain!!"Sigaw ko tsaka pinulot yung pancake.

"Ikaw kaya unang bumato"Sabi nya sabay irap.Yieeee pahaba ng pahaba sentence nya.

"Sorry na Honey bunch ko~"Sabi ko sabay lapit sa kanya.

"Jan ka lang!Wala akong dalang Baygon"Sabi nya kaya binato ko sya ng kutsara--charot joke lang masakit yun eh.

"Kain na lang tayo honey bunch... Dami pang dada eh"Sabi ko kaya feel ko sobrang sama na ng tingin nya sakin.

"Ahh"Sabi ko at tinapat sa kanya yung tinidor na may pancake.Susubuan ko sya yieee~~

"May sarili akong kamay."Sabi nya sabay subo ng pancake.

"Tsk pangit naman nitong ka bonding"Sabi ko at sinubo na lang yung pagkain na dapat eh isusubo ko sa kanya.

"Nga pala.... aalis ka ba mamaya?You know... dun sa pinakamamahal mong gf... Pupuntahan mo sya?"Tanong ko ng di nakatingin sa kanya.Ayokong tignan yung mata nya baka umagang umaga maging broken ako bigla.Jk.

"Hindi.... may pupuntahan daw sila ng Family nya.5 days daw sila dun"Sabi nya kaya nagningning yung mga mata kong tumingin sa kanya.

"So... dito ka lang?"Bulong ko sabay Kain ng pancake.Bulong lang natin... masakit mag expect eh.

"Oo"Tipid nyang sagot kaya palihim akong ngumiti.Yes!!

"Gala tayo mamaya"Sabi ko sa kanya pero tinignan nya lang ako.

"Di ka ba maglalaba?"Tanong nya kaya napairap ako.Dami talaga nitong pakeme eh.

𝙔𝙤𝙪𝙧 𝙀𝙮𝙚𝙨 𝙏𝙚𝙡𝙡 |𝓓𝓸𝓷𝓰 𝓢𝓲𝓬𝓱𝓮𝓷𝓰Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon