CHAPTER 66

12 5 0
                                    

SICHENG'S POV

"HOI,HYUNG!Chika naman jan.Anyari na sainyo ni Noona?" Tanong ni Jungwoo.

Kakarating palang nila dito sa bahay tas chismis agad hanap nila?Ayos.

"Asan si Kaira?" Tanong ni Taeil Hyung.

"Nasa mga kaibigan nya.Kaya nga pinapunta ko kayo dito eh." Sagot ko.

"So option lang kami pag wala yung asawa mo?!U betrayed me, Winwin! "Oa na sabi ni Johnny Hyung na sinabayan naman ng pagiyak ni Haechan.

Mga adik ba tong mga to?

"Don't mind them, Hyung.Mag kwento ka na lang kung anong nangyari sainyo kahapon"Sabi ni Jungwoo kaya napatingin ako sa kanya.

Chismis lang talaga pinunta nito, oo.

Nag date kami kahapon"Sagot ko habang pinipigil yung ngiti ko.

"Mukhang ang lakas ng tama sayo ni Kaira ah?Ano Endearment nyo?" Tanong ni Doyoung Hyung.

Naalala ko yung kahapon yung pagtawag sakin ng Luv ni Kaira. Nababakla ako.

"Endearment namin?Why Hyung?Gagayahin mo??" Pabiro kong tanong na ikinasama nya ng tingin sakin.

"Damot nito!Tinatanong lang eh" Sabi ni Doyoung Hyung na ikinatawa ko ng mahina.Sasagot na sana ako ng maayos sa kanya ng biglang may tumawag sa phone ko.

"Wait" Sabi ko at kinuha yung cp ko bago sagutin.

"Hello, Luv!" Bungad ni Kaira sa telepono.Tinignan ko muna yung mga kaibigan ko na nakatingin sakin ngayon bago sumagot.

"Hi, Luv.Do you need something?" Tanong ko na ikinatalon at ikinalumpasay ng mga tangang kasama ko dito sa sala.

"Wala lang gusto ko lang sabihin na... " Pagpuputol ni Kaira sa sasabihin nya kaya na curious ako.

"Na?" Tanong ko at mukhang naging curious din yung mga kupal kong kaibigan na nakikinig sa usapan namin.

"I love you."Sabi ni Kaira na ikinangiti ko ng wala sa oras.

"Ano sabi?" Bulong ni Johnny Hyung na ikinatawa ko ng mahina.

"I love you too, Luv." Sabi ko at kitang kita ko yung paglulumpasay ulit nila Haechan sa sahig kaya napatakip ako ng mukha ko habang kinikilig na natatawa na ewan dito sa kinauupuan ko.

"Yun lang naman hehe... See you later, Luv." Sabi nya bago patayin yung tawag.

"Tapos na?" Tanong ni Jaehyun na ikinatango ko bago ibaba yung cp ko.

Nagulat naman ako ng bigla silang nag palakpakan at naghiyawan habang natalon na parang tanga.

"Yieeee gago!! 'HI, LUV.DO YOU NEED SOMETHING?' YIEEEE SHET! SANA OL!" Sigaw ni Haechan na ikinatawa ko.

"Baket di ko pa nararanasan yan??" Tanong ni Taeil Hyung habang nagkukunwaring naiyak.

"So she called you just to say I LOVE YOU?" Tanong ni Mark na ikinatango ko naman ng nakangiti.

Mainggit kayo.

"Yoooo!!Sana Ol" Sabay na sabi nila Johnny Hyung at Mark.

"Parang gusto ko tuloy mag gf na pangalan ay Kaira" Sabi ni Jungwoo kaya napatingin ako sa kanya.

"You saying something Woo??" Tanong ko na ikinatawa ni Jungwoo.

"Joke lang kasi!Labyuu"Sabi nya sabay tawa.

Well~

𝙔𝙤𝙪𝙧 𝙀𝙮𝙚𝙨 𝙏𝙚𝙡𝙡 |𝓓𝓸𝓷𝓰 𝓢𝓲𝓬𝓱𝓮𝓷𝓰Where stories live. Discover now