CHAPTER 51

15 5 0
                                    

SICHENG'S POV

Kakatapos ko lang gumawa ng breakfast ni Kaira ngayon at mukhang wala syang balak bumaba dito kaya dadalihin ko na lang tong niluto ko sa kwartong tinutulugan nya.

Ewan pero feel ko nagiimprove na yung feelings ko sa kanya.Totoo pala yung "Wag kang magsalita ng tapos" thing na yun.

//Ding!Dong!//

Napatingin naman ako sa likuran ko ng may biglang may nag doorbell.Sino naman ang bibisita dito?Sila Mama?

Nilapag ko muna yung plato na may sandwich at dali daling pumunta sa pintuan.Binuksan ko naman yun at medyo nagulat ako sa tumambad na tao sa harapan ko.

"Patricia?"Sabi ko habang tinitignan sya mula ulo hanggang paa.

"W-win... I... I miss you so much"Naiyak nyang sabi sabay yakap sakin.

What happened to her?


KAIRA'S POV

Pababa na ko ng hagdan dahil may narinig akong nag door bell.Curious ako eh bat ba.

"Win--" Napahinto naman ako sa pagtawag sa kanya ng makita ko syang may kayakap.

"W-win... I... I miss you so much"Mahinang sabi nung babae pero rinig ko padin.

Si Patricia ba to?Yung hipon na gf dati ni Winwin?Anong ginagawa nya dito?

"Why are you here?"Tanong ni Sicheng sabay layo ng unti kay Patricia.

"I... I want you back" Sabi ni Patricia sabay iyak ng mahina.

Teka, anong you want him back?

"Ano?" Tanong ni Sicheng at bahid sa boses nya yung inis.

"I said I want you back"Sabi ni Patricia habang naiyak parin.

"Stop saying nonsense, Patricia.Umuwi ka na sa Apartment mo."Utos ni Sicheng sabay talikod kay Patricia.

Kita ko naman syang napatingin sakin kaya napalingon ako sa ibang direksyon. Baka isipin nya nakikinig ako sa usapan nila.

Ay ehem, oo nakikinig ako.Pero aksidente lang naman.... ng slight.

"Your sandwich is done" Sabi ni Winwin sabay ngiti sakin ng unti.

"Babe, please.Pakinggan mo naman ako"Pagmamakaawa ni Patricia sabay yakap kay Winwin mula sa likuran.

"Let go of me."Utos ni Sicheng sabay tanggal ng kamay ni Patricia na naka yakap sa waist nya.

"Di mo na ba ako mahal?"Tanong ni Patricia.Pansin ko namang napatingin sakin si Wiwwin kaya naisipan ko na lang na umakyat na lang ulit sa taas.

Bat ba nakatayo parin ako dun.

"Baka mahal pa ni Sicheng si Patricia.Nahihiya lang atang sabihin kasi nandun ako" Bulong ko habang naglalakad pataas ng hagdanan.

Wala pa namang isang buwan mula nung naghiwalay sila eh.Imposible naman na nakamove on agad si Sicheng sa 2 years nyang naging Gf diba.

Nagmumukha nanaman akong tanga ngayon.




𝙔𝙤𝙪𝙧 𝙀𝙮𝙚𝙨 𝙏𝙚𝙡𝙡 |𝓓𝓸𝓷𝓰 𝓢𝓲𝓬𝓱𝓮𝓷𝓰Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon