CHAPTER 24

14 5 0
                                    

SICHENG'S POV

"Honey Bunch bilisan mo naman mag lakad"Pangungulit sakin ni Kaira kaya napairap ako ng palihim at binilisan na lang yung paglalakad.

Tapos na kami mag laba kani kanina lang at nandito na kami ngayon sa Mall dahil gusto nya daw mag laro sa Tom's world.

Wala din naman akong magawa kasi hinila nya na ko palabas ng bahay kanina eh.Di ba sya napapagod?Kakatapos lang namin maglaba ah?

"Bilisan mo baka marami ng tao"Sabi nya sabay hila ulit sakin papasok sa Tom's World.Ano bang meron dito?

"Bili tayo token"Sabi nya sabay punta dun sa may counter.Napatingin naman ako sa buong paligid dahil medyo marami ang tao at mukhang happy sila.Tsk di ako natutuwa.

"Ang gwapo naman po ng kapatid nyo Ate"Rinig kong sabi nung nasa counter kaya napatingin ako dun sa staff na nag sabi.

Mga babae nga naman.Makakita lang ng gwapo kinikilig na tsk.



Bat kasi ang gwapo ko?


KAIRA'S POV

"Ang gwapo naman po ng kapatid nyo Ate"Sabi nung staff na nandito sa counter kaya napatigil ako sa paglagay ng pera dun sa token machine at napagisipan na tumingin na lang sa staff na nagsalita.

Kapatid?!

Kinuha ko muna yung pera at sumandal dun sa glass na puro laruan.Kita ko namang ngumiti yung babae sakin sabay tingin kay Winwin.

"Single po ba kapatid mo?"Maharot na tanong nung staff kaya nginitian at tinawanan ko lang sya ng peke.

"Kapatid?"Sarkastiko kong tanong sa kanya.

"Opo yung kapatid nyo po"Sabi nya kaya tumango na lang ako sabay pakita sa kanya ng isa kong kamay.

"Di ko sya kapatid at lalong lalo ng di sya single."Sabi ko sabay turo sa singsing na nasa kamay ko.Kita ko naman syang napalunok kaya inirapan ko lang sya.

Umayos ka teh.Mukhang balak mong dumagdag sa mga kaagaw ko ah.

"Arat na nga Honey Bunch.Ayoko na mag laro"Sabi ko at nauna ng maglakad.Pag gantong desperada na ko wag nyo kong anuhin baka maano ko kayo.

_

Nandito na kami ngayon sa Mcdo dahil bigla akong nagutom.Nakasunod lang sakin si Sicheng kung saan ako pupunta kaya I feel loved-- charot.

"Nung balak mo pag uwi?"Tanong ko sa kanya sabay subo ng fries.

"Matulog"Sagot nya sabay subo ng burger.Grabe naman to, tutulog agad?Haharutin pa kita eh.Bawal ka munang matulog!

"Eyy ampangit naman ng idea mo!Nood na lang tayo ng horror"Sabi ko sa kanya sabay subo ulit ng fries.

"Nood ka magisa"Sabi nya kaya sinubuan ko sya ng fries sa bunganga nya.Nginuya nya naman yun habang masamang nakatingin sakin.Hehe

"Manonood tayong dalawa."Sabi ko at magsasalita pa sana sya nang sinubuan ko ulit sya ng fries.

"I know honey bunch shhh ka na lang"Pangaasar ko sa kanya kaya nakatanggap ako ng isang sipa mula sa paanan ko.

Bat naninipa?!

"Nga pala ano plano mo bukas?"Tanong ko sa kanya sabay kain ng burger.Ang sarap... ko charot.

"Magtatago sayo, mukha ka kasing mamamatay tao"Pamimilosopong sagot nya kaya sinamaan ko sya ng tingin.Grabe ah!

"Ang ganda ko namang mamamatay tao"Mahangin kong sabi sabay flip hair.

"Oo ganda mo"Sabi nya kaya napatingin ako sa kanya.

Yieeeeee~~ napopol na sya~

"Ganda mong sakalin"Sabi nya sabay irap sakin.Di ba sya napapagod kakairap?Wala... curious lang.

"You mean... ganda kong mahalin~ Owshi Minecr--"Di ko na natuloy yung sasabihin ko ng subuan nya ko ng tissue sa bunganga.Tangina ambaboy naman.

Tinanggal ko naman agad yung tissue sa bunganga ko sabay ipinatong sa tray.Ambaboy naman Dong Sicheng.

"Pwe!Ang daya mo naman!Fries lang sinusubo ko sayo ah!Bat naman tissue pa napili mong isuksok sa bunganga ko?"Reklamo ko sa kanya habang nakatingin sa kanya ng masama.

"Buti nga tissue yung napili ko eh.Pasalamat ka dahil di tong tray yung sinubo ko sayo"Pilosopo nya ulit na sabi kaya inirapan ko sya ng bongga.Apaka talaga oo.

"Edi thank you"Sabi ko ng may kasamang sama ng loob.

Don't worry love pa rin kita.

"Welcome.... sa uulitin ulit"Sabi nya kaya sinipa ko sya pero mahina lang.Di naman ako papayag na masaktan sya diba?owshi Minecraft.

𝙔𝙤𝙪𝙧 𝙀𝙮𝙚𝙨 𝙏𝙚𝙡𝙡 |𝓓𝓸𝓷𝓰 𝓢𝓲𝓬𝓱𝓮𝓷𝓰Where stories live. Discover now