CHAPTER 14

18 6 0
                                    

Kasalukuyan ako ngayong nasa kusina dahil umaga na.Gusto kong ipagluto ng almusal si Sicheng kaya maaga aga akong nagising.

Chineck ko sya kanina sa guest room at sobrang himbing ng tulog nya kaya di ko muna sya inistorbo at napagisipang magluto na lang ng umagahan.

Nagluto ako ng fried rice, malasadong itlog, bacon tsaka syempre Ramen.
Tapos na din akong maghain pero mukhang tulog pa sya.Kaya pinuntahan ko na lang sya sa guest room.Kumatok muna ako kasi ayokong maulit yung imagination ko kagabi.

"Sicheng, mag Breakfast na tayo"Sabi ko habang mahinang kinakatok yung pintuan ng guest room.

Nagiintay ako ng may sumagot kaso walang nasagot kaya pumasok na lang ako hehehe.Pagkapasok ko sa kwarto eh wala akong makita kasi ang dilim, nakasara lahat ng bintana sabay mo pa yung mga nakababang kurtina.Naglakad ako papalapit sa kama nya at binuksan yung lampshade na nasa gilid ng kama nya kaya nag karoon ng unting liwanag.

Tulog pa rin sya at halatang gustong gusto nyang matulog, Sana ol GUSTO.Umupo ako sa gilid ng kama nya at tinitigan yung mukha nya.

"Ang gwapo"Bulong ko habang pinagmamasdan yung mukha nya.
Gisingin ko pa ba to?Ang himbing ng tulog eh.

"Baka lumamig yung ramen... pero sige matulog ka na lang muna"Bulong ko sa sarili ko, inayos ko naman yung kumot nya.Pagkatapos nun ay pinagmasdan ko nanaman yung mukha nya.

"Bat ba ko na fall sayo"Bulong ko ulit at akmang hahawakan Sana yung mukha nya ng hawakan nya bigla yung kamay ko kaya nagulat ako.

"What are you doing?"Tanong nya at bahid pa sa boses nya yung antok.

Kita ko namang dinilat nya yung malalamig nyang mga mata sabay tumingin sakin kaya yung puso ko ay di nanaman mapakali.

"G-gigisingin sana kita... nakahain na kasi yung breakfast"Paliwanag ko sa kanya.Umiwas naman ako ng tingin sa kanya kasi di ko talaga keri makipagtitigan kay Winwin ng matagalan.

"Bumaba ka na.Susunod na lang ako"Cold nyang tugon sabay bitaw sa kamay ko.Tumayo naman sya sa kama nya at dumiretso sa cr.May kanya kanya kasing cr yung 3 kwarto dito, bale may cr din sa baba.

Oh diba ang yaman sa cr.

_

"Nga pala... Nakatulog ka ba ng ayos?"Tanong ko sa kanya habang hinihipan yung ramen.

Buti mainit pa.

"Okay naman"Maikling sagot nya sabay subo ng ramen.

"Ang alat"Rinig kong sabi nya kaya napatingin ako sa kanya.Pati ramen ko maalat?!

"Di kaya!"Sabi ko tsaka sumubo ulit ng ramen.Grabe ka na ah!

"May galit ka ba sakin?Tsk"Sabi ko at nagfocus na lang sa pagkain.

Bat ko ba to nagustuhan?Anong katangahan ang pumasok sa utak ko?

"Ako na magliligpit"Sabi nya kaya napatigil ako sa pagkain.Himala nag volunteer ka.Anyari?

"Okay~"Sabi ko at pinagpatuloy na lang ang pagkain habang nakatingin sa kanya.Ang kyut nya kahit nakain hehe.

Oh diba sobrang rupok.

_

Nandito ako ngayon sa kwarto at nagmumuni muni.Grabe nakakaboring.Nasa kwarto din kasi si Winwin at ewan ko kung anong ginagawa nya.

𝙔𝙤𝙪𝙧 𝙀𝙮𝙚𝙨 𝙏𝙚𝙡𝙡 |𝓓𝓸𝓷𝓰 𝓢𝓲𝓬𝓱𝓮𝓷𝓰Where stories live. Discover now