CHAPTER 32

17 5 0
                                    

KAIRA'S POV

"Di pa kayo uuwi?"Tanong ko sa kanila kasi gabi na at nandito parin yung mga kaibigan ni Winwin hanggang ngayon.Pati pala yung Gf ni Winwin.

Bumalik sya dito kani kanina lang.Si Doyoung at Jaehyun naman ay nauna ng mauwi, may mga uuwian kasi.Sana ol.

"Ewan??"Tanong ni Mark kaya napataas ako ng kilay ko.

Bat ako tinatanong mo beh?

"Gabi na... dito na lang kami.Ehem.Sleep overr~~"Sagot ni Taeil kaya napakurap kurap ako.San sila matutulog eh napaka dami nila.

"Isang kwarto lang yung bakante"Sabi ni Winwin kaya napatango ako.Tatlo lang kasi kwarto dito.Eh since mag kahiwalay kami ng kwarto ni Sicheng naging 1 na lang yung bakanteng kwarto.

"Dito na lang kami sa sofa nila Taeil Hyung at Yuta."Sabi ni Taeyong kaya napatingin ako sa sofa.Malaki laki naman yung sofa pero baka di sila comfortable.

"Jungwoo,Mark and Haechan dun kayo sa bakanteng kwarto.Maglalatag na lang ako dito sa lapag"Sabi ni Johnny kaya napatulala ako.Grabe talaga tong mga to, basta makapagsleep over lang dito eh.

"Don't worry di ako natutulog kaya dun ka na lang sa kwarto, Johnny Hyung"Sabi ni Haechan kaya napatingin ako sa kanya.What the?

"Babe dito na lang din ako tutulog, tabi na lang tayo"Rinig kong sabi ni Patricia kay Sicheng kaya napapikit ako ng mariin.Nakakapikon.

"Yeah, Sure"Sagot naman ni Sicheng kaya napaubo ako.

"Yung tatlo pwede sa kwarto ko... dun muna kayo"Sabi ko na ikinatingin nila sakin.

"No, okay lang kami....don't worry, Noona"Sabi ni Haechan kaya tinignan ko sya ng masama.

"Matulog ka, ambata bata mo pa sasanayin mo na sarili mong di matulog"Pananaway ko kay Haechan.

"Evening sermon from Ate Kaira"Sabi ni Jungwoo kaya napatawa ako ng mahina.Bwisit maka Ate naman to wagas, 1 year lang naman tinanda ko sayo.

"Kuya Johnny dun na kayo nila Haechan sa kwarto ko... Mark and Jungwoo dun kayo sa pangatlong kwarto.Pwede namang dun din yung dalawa pa sainyo kasi dalawa naman kama dun sa Guest room"Sabi ko sa kanila.

"Dun na kayo, Hyung"Pagtataboy ni Kuya Yuta kela Kuya Taeil at Taeyong.

"Sure ka talaga Kaira?"Tanong ni TY kaya tumango ako.Ano ba kayo sanay ako sa puyatan.

"Pero bago ang lahat oorder muna ako ng makakain natin"Sabi ko sabay labas ng phone ko.

"Nukss!Gutom na rin ako eh.Ate Kaira is the best"Sabi ni Jungwoo kaya napa face palm na lang ako.Lakas din nito manguto eh.


_


"Kayo di ba kayo kakain?"Tanong ko kela Winwin.Actually si Winwin lang inaaya ko eh-- charot hehe.

𝙔𝙤𝙪𝙧 𝙀𝙮𝙚𝙨 𝙏𝙚𝙡𝙡 |𝓓𝓸𝓷𝓰 𝓢𝓲𝓬𝓱𝓮𝓷𝓰Where stories live. Discover now