KABANATA 2

21 2 0
                                    

"You are really good on that, Jastice." Nakahalumbaba kong saad kay Jastice habang nilalaro ko ang pagkain ko.

Magaling mag drawing si Jastice, iniisip ko nga na bagay sya sa kursong arkitektura dahil sa angkin nyang talento.

"Kamukha mo ba?" Tinapat nya sa akin ang sketchbook nya  at pabalik balik nya akong tiningnan at ang sketch nya.

"Mag architecture ka kaya sa college?"

"Para ikaw ang engineer ko?" Saad nya at muling mag sketch. Saka mahinang tumawa.

"Mag dodoctor ako. Iyon ang legacy ng pamilya namin." Natural na sabihin nya 'yon. Kalimitan sa mga malalaking angkan ay sinusunod ang propesyon ng pamilya kesa sa pang sariling kagustuhan.

"Pero alam mo, kung kaya kong gawin yung ginawa ni kuya Richard, bakit hindi. At least 'di ba, kasama kita sa field." Sabi nya sa akin. Si Richard Tan ang kaisa isang nag doctor sa pamilya ng Yoko at Tan na kilala sa larangan ng desenyo at pag buo.

"Jas!! Si Hunter nanaman. 'Di ka ba nananawa sa mukha nya. That whole sketchbook are full of Hunter's face. Wala ka bang ibang subject?" Tumabi sa amin si Deianira na dala dala ang ipad nya at ipad ko.

Sa likod namin ay ang mga bodyguards namin ni Deianira. Si Jastice ang nag iisang estudyante na pinapayagan namin na lumapit sa amin ni Dei.

"Hahaha. Jasmine para kay Hunter ang sketchbook na ito. Hahaha." Ibinaba ni Dei ang ipad ko sa tapat ko.

Binuksan ko iyon at agad na nakita ang ibat ibang module para sa susunod na linggo.

"Saan ka pala galing Jasmine?" Tanong ni Jastice kay Dei.

"Sa faculty. Kumuha ako ng advance module. Hindi kasi ako makakapasok sa isang linggo." Saad ni Deianira.

"Pati si Hunter? Aalis ka ba?" Tanong sa akin ni Jastice sa akin.

Tumango ako. "May aayusin ako sa shipment industry ni Dad." Sabi ko sa kanya.

"Iiwan nyo nanaman akong dalawa. Sino na ang mag sasagot ng assignment ko sa math." Napatunghay ako at nakita na nakatitig sila sa akin.

"Not me, my brother can handle it for me." Saad ni Deianira.

"Sana may kuya din ako. Walang oras ang pinsan ko sa mga bagay na ganito, pag doctor ka na, buhay na ng ibang tao ang iisipin mo habang buhay." Nakangusong sabi ni Jastice habang pinag papatuloy ang pag guhit nya.

"I'll send it before my departure." Saad ko at nag liwanag ang ngiti ni Jastice sa akin. Tumayo sya at inextend ang dalawang kamay nya para maabot ang mukha ko.

"Thank you! Mas naiintindihan ko kasi pag ikaw ang nag solve." Sabi nya na bahagyang malapit sa akin. Tumawa si Deianira sa kanyang tabi.

"Hunter, pay for my brother for another set of pictures spread online that he need to down tonight. Siguradong talamak nanaman ang picture nyong dalawa." Saad ni Deianira kaya napalingon sa paligid si Jastice.

Ngumisi ako at umiling.

"Hayaan mo sila. Wala naman silang alam." Saad ko at tumayo. Ngumuso si Jastice sa akin.

"Saan ka pupunta?" Hindi ko sinagot si Jastice at nagpunta sa isang table. Si Arche na pinapiligiran ng bodyguards at walang kasama sa kanyang table.

"Why don't you join us, Arche?" Tanong ko, tumunghay sya sa akin at walang ekspresyon.

"I already prepare your departure, Kuya Hunter. You don't need to play nice." Saad nya at binalik ang atensyon sa pagkain nya.

Ngumisi ako sa kanya.

Fix youजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें