Kabanata 21

20 2 0
                                    

"Azula." Bumaling ako kay Azure noong tinawag nya ako. Lumapit ako sa kapatid ko.

"Tito Arthur, Tita Elizabeth, Tita Amber, Tito Michael, Jastice, Si Azula po kapatid ko." Nag bow ako sa kanila at sinalubong ako ng ngiti.

Nagulat ako ng yakapin ako ng isang supistikada at well proper looking na babae.

"Welcome to The Land of the Blue Moon, Azula. Napakatagal ka na namin hinihintay." Naiiyak nyang sinabi.

"Mahal, iwasan mo naman ang pagiging emosyonal. Siguro mas dapat nating gawin ay iuwi na sya sa bahay ng makita sya ni Mama." Sabi ng lalaking katabi nya kanina.

"Tito Arthur? Dala nyo po ang kotse ko?" Tumawa ng lalaki at hinagis ang susi kay Azure.

"Isabay mo si Axel, Azure. Mag talo kayo sa kung sino ang mag dadrive ng sasakyan mo." Tumawa ang lalaki.

"Miss na siguro ako ni Axel 'no Tito?" Para silang magkaibigan ni Azure kung mag usap.

Parang napakagaan ng pakikitungo ng pamilya namin kay Azure.

"Azure, sa amin muna isasakay si Azula."

"Sige lang Tito." Walang buhay na kampay ni Azure na inakbayan ng kausap nya kanina at nagpunta sa sasakyan na itim na nakaparada sa runway. Hinabol ko ng tingin si Azure na iniwan ako sa mga Tita at Tito namin.

Sinakay nila ako sa isang magarang BMW. Sa tabi ko ay ang isang mahinhin na babae na may mahabang buhok. Kulot ang dulo at maayos na naka suot ng presentableng dress. Malayo sa akin na nakasuot ng black jeans, NMD na sneaker, black long sleeves na pinatungan ng brown na long coat.

"Jastice, bumati ka sa pinsan mo." Sabi ng babae na sumakay sa passenger seat. Napalingon ako sa katabi ko.

Sya yung nabanggit ng Architect ng Airport sa Solar na kaibigan ni Luan.

"Hello, it was nice to see you, Azula. Ako si Jastice Alkyn Renaldi. Pinsan mo ako." Napatango ako sa kanya at naglahad sya ng kamay sa akin.

"I hope we get to know each other? Since hindi naman magkalayo ang edad natin." Sabi nya at tumango na lang ako. Hindi ko rin naman alam pa ang sasabihin ko.

Nanatili akong tahimik.

"I'm your Tito Joe Michael, Azula. Ang kaninang emosyonal ay ang aking asawa na si Amber Renaldi. Pareho kaming General practitioner at humahawak ng facility ni Mama, ang iyong Lola na makikita mo mamaya, sya ang nag iisa naming anak na si Jastice Alkyn Renaldi." Saad ng lalaki habang nag mamaneho.

"You can call me Tito JM or like how Azure addresses me, Michael and please don't be so formal. Sanay kami na makihalubilo sa inyong mga kabataan." Sabi nya at pasilip silip sa rear view mirror.

"Ako ang iyong Tita Amber. Ako ang unang anak sa pangalawang asawa ni Mama. But don't get me wrong, me and your mom was too close together." Sabi nya sa akin nang may ngiti.

"Matanda si Jastice ng dalawang taon sayo 'yon ay dahil maaga akong nag asawa. Habang ang mommy mo naman ay nag ibang bansa." Sabi nya sa akin at biglang nalungkot. Gusto kong malaman kung ano ang nangyari noon. Ang alam ko at tanging impormasyon na binigay ni Hecate ay nainlove si mommy kay Daddy at ginawa nyang Assassin ng Helio si mommy. Si mommy ang pumatay sa nanay ni Hecate, kaya noong bumalik si mommy ay pinarusahan sya ng kamatayan.

"Malapit na tayo, ready ka na bang makita ang mga Pinsan at Tito at Tita mo at lalong higit ang iyong Lola?" Tanong sa akin ni Tita Amber.
Tumango ako sa kanila at bahagyang ngumiti.

"Azula, ito ang district natin, ang District 4. Mas maganda sana kung umaga kayong dumating ng makita mo ang ganda ng syudad." Sabi ni Jastice sa akin sa mahinhin na boses.

Fix youWhere stories live. Discover now