Kabanata 13

18 1 0
                                    

Sa hindi ko malamang dahilan, nagagawa kong makapag open kay Luan sa mga bagay na hindi ko masabi sa kapatid ko. Para syang si Azure, hindi ko kailangan mag panggap sa harap nya.

I feel calm when I'm with him.

Sinubukan kong kausapin si Thor tungkol sa kanila ni Amara. Pero hindi nya ako maintindihan.

"Thor, naiintindihan ko na gustong gusto sya ng mommy mo, pero please, dumistansya ka naman kahit konti. Kahit sa harap lang ni Azure. Ayoko magkasira muli kayo ng kapatid ko." Hinawakan nya ang kamay ko.

"Love, how many times i need to tell you that we are just friends. Alam mo naman na matagal na kaming magkaibigan ni Amara and with her condition, hindi makakatulong na umiwas din ako sa kanya dahil di mo sya kinakausap." It sound offensive to me, dahil karapatan ko na di sya kausapin dahil sinaktan nila ako. Pero nanatili akong kalmado. Luan said i just need to understand at kausapin sya.

"Nag seselos ako, Thor. Alam mo naman ang nakaraan nyo."

"Love, trust me when i say that we are just friends. I will not hurt you again." Sabi nya sa akin. Pero hindi ko magawang magtiwala ng lubos. Pakiramdam ko ay nasa isang gera ako na bawal mag baba ng armas dahil mapapana ako ng kalaban ko pag ginawa ko iyon.

Para bang may sasaksak sa akin sa likod ko pag hindi ako nakatingin. Hindi ko magawang makampante at maging komportable lalo pa at alam ko na may malaking parte si Amara kay Thor na kahit kelan ay hindi ko napasok.

Napilitan akong tumango kahit labag sa loob ko.

Hindi ko nagawang kauspin muli si Luan dahil napagalamanan ko na may event ang kolehiyo ng mga sumunod na araw.

Mabilis na dumaan ang mga araw at dumating ang araw ng birthday ko.

"Happy birthday Azula." Napalingon ako sa pinto at lumabas doon si Azure na may dalang bulaklak at cake. Natawa ako sa party hat sa kanyang ulo.

"Happy birthday Azure." Bati ko sa kanya pabalik. Ibinigay nya sa akin ang bulaklak at hinalikan ang tuktok ng noo ko.

Inis akong ngumisi. Hindi ako sanay na sweet sya sa akin ng ganito.

"Oh make a wish!" Sabi nya at inilagay sa tapat ko ang cake. Natawa ako sa nakalagay sa cake.

Disiotso na, Azula!

Nilagyan ko ng slash ang 'la' at nagsulat ng 're' na kaduktong at nilagay ko sa ilong ni Azure ang icing. Pilit na inaabot ng kanyang dila ang icing. Natatawa ako sa kanya.

Wala naman ako mang wish dahil kahit i wish ko na tanggalin kami sa Helio ay hindi naman mangyayari dahil habangbuhay na kami nakakontrata doon. Kaya ang winish ko na lang ay ang good health ni Azure, Apollo at El. Kaligtasan ng lahat ng kaibigan ko na malapit sa aking puso at ganun na rin si Luan at si Art. Hindi na sila mawawala sa akin pa.

"Daming wish!" Minulat ko ang mata ko at nag roll eyes kay Azure.

"Eh bakit mo pa ako pinag wish!"

"'Yan! Isa sa wish ko 'yan. Iyong kasungitan mo. Hipan na nga natin nangangalay na ako Azula." Sabay naming hinipan ni Azure ang kandila.

"Ilalagay ko muna ito sa ref ah. Syang ihain natin kay Apollo mamayang gabi." Sabi nya sa akin, palaabas na sya ng kwarto ng tawagin ko syang muli.

"Azure." Napalingon sya sa akin.

"Oh?" Kinuha ko sa kabilang panig ng kama ang isang paperbag ng mamahaling sapatos. Hindi ko alam kung bakit ganoon kamahal ang sapatos na iyon pero ang alam ko matagal na gusto iyon ni Azure dahil na rin sa 10 number sa pangalan.

Fix youWhere stories live. Discover now