KABANATA 20

19 2 0
                                    

"Nagdala ka pa ng gamit eh kaya naman bilhin ni lola yung isang buong department store para sayo." Sabi ni Azure habang inilalagay ang gamit ng kanyang kapatid. Nakasakay sa shut gun seat si Artemis na parang pinagsakluban ng langit sa sobrang kaba.

Si Azure ay nakasama na ang kanyang angkan sa Luna at tinanggap nila ang kagustuhan nyang manatili sa Solar.

Sinarado nya ang sasakyan nya at pumasok sila ni Azula sa sasakyan ni Azure.

Magkasunod kaming nagpunta sa bagong Airport papunta sa Luna.

Ang makabangong eroplano ang sumundo sa amin.

Hinawakan ko ang kamay ng kapatid ko. At sabay kaming sumakay ng eroplano. Mahigit isa't kalahating oras sa himpapawid ay bumaba kami sa bagong airport sa District 3.

Sinalubong si Azure ng kanilang pamilya. Saglit na lumapit sa amin si Azula.

"I will see you later, Art. I need to settle something." Sabi nya sa kapitid ko.

"Everything will be fine, Art." Sabi nya at ngumiti si Artemis sa sinabi ni Azula. Humalik sa pisngi ni Azula si Art.

Pinitik ko ang noo nya at napabaling sya sa akin.

"I see you tonight. Pupuntahan kita." Ngumiti sya at tumango.

"Azula!" Tawag ni Azure na agad na bumaling si Azula sa kanyang angkan. Napatingin ako sa pamilya ng Renaldi na nag bow ng kaunti sa akin. Si Jastice ay naroon. Nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya bago kami sumakay sa sasakyan na nakalaan para sa amin.

"Kuya. I'm nervous." Saad ni Art sa akin. Bumaling ako sa kanya.

"Do you hate dad for leaving you?" Natigilan si Art sa tanong ko.

Tumango sya. "Wala sya mansyon. You'll see him in the right time Art. So don't be nervous. Hindi kita iiwan." Sabi ko sa kanya.

Pumarada ang sasakyan sa tapat ng mansyon. Ang mga sasakyan ay nasa labas ng mansyon na pagmamayarin ng mga kapatid ni mommy at daddy.
Pinagsama ang pamilya ng Tan at Yoko sa aming mansyon.

Pinagbuksan kami ng pinto at bumaba ako. Agad na nagbow sa akin ang battler ko.

"Welcome back Prince Hunter." Lumapit si Art sa akin at hinawakan ko ang kamy nya.

"Hinihintay na po kayo ni Madame Brielle at ang buong pamilya." Tumango at naglakad papunta sa malaking pinto.

Nag bow ang lahat ng tao sa loob ng makita ako bukod kay mommy.

Pumasok kami sa loob ni Art na kapit na kapit sa kamay ko.

Naroon silang lahat ang pamilya ng mga Arkitekto at Engineer. Si Tito Henry Yoko ay nasa tabi ni Tita Camila Lopez-Yoko, ang kanilang anak na si Camila Hazel na kasing edad ni Art ay tahimik na nakaupo sa tabi ng ina.

Si Tita Titania Yoko-Carter ay nakangiti sa akin na karga karga ang anak nilang si Tiffany Lorraine. Sa likod nya ay si Tito Levi Aston Carter na may hawak na wine. Habang mag kakasama ang pinsan ko na si Maveric at Brandon Luis na mukhang may pinaguusapan sila ni Troy Vincent Tan at Hector Vyn Tan na anak ni Tito Vincent Tan at ang kanyang supistikadang asawa na si Tita Isabel Scott-Tan.

Nakakunot ang noo ni Tito Lorenzo Gonzales habang nakangiti sa akin si Tita Rennee' Tan-Gonzales. Ang kanilang mga anak na si Radley Leigh Gonzales at Rinne Gonzales na busy sa kanilang cellphone.

Nakihalubilo rin kina Brandon si Doctor Richard Tan na syang nag iisang doctor sa pamilya. Ang magulang nyang si Ricardo at Rica Munzon-Tan ay nasa tabi nina Tita Titania na para bang naputol ang kanilang pag uusap.

Fix youWhere stories live. Discover now