KABANATA 10

14 1 0
                                    

Naging mabusisi ang konstraksyon ng Triton. Magaling si Lucian dahil nagawang ilabas ng bansa ang mga trabahante sa distrito namin papunta sa Solar.

Ako man ay nasa site ng Triton pa minsan minsan lalo na kapag nag sisimula na ang excavation. Parte ito ng training ko sa kumpanya.

Madalas kong hinahantay si Azula sa gate ng Solaris International, dahil hindi ako makapasok ngunit di ko rin naman sya mahagilap.

Lumipad ako pabalik ng Pilipinas para sundoin si Art para sya ay sumama sa akin sa Solar, kasama ang mag-asawa na syang mag aalaga kay Art habang nasa Triton ako nag aasikaso sa site o kaya ay sumusunod kay Azula ngunit sa araw na iyon ay nasa huling linggo na sya ng kanyang semestre kaya nanatili ako sa isla na nag hihintay.

Malaki ang pinagbago ni Art. Marahil ay dahil na rin sa mga impluensya ng kanyang mga bagong kaibigan at dahil na rin kay Cooper na lagi nyang kasama.

"You don't want to come?" Umiling sya sa akin.

"I want to finish my school here. I have few friends but they are all nice, kuya." Saad nya sa akin. Nagulat ako sa kanyang pahayag. Marahil distant sya ibang tao ngunit hindi sa malalapit nyang kaibigan. Ayokong putulin ang kasiyahan ng kapatid ko. Kung saan sya masaya ay hahayaan ko sya.

Kaya nanatili ako sa isla ng mahigit sa dalawang linggo, nangako ako sa kanya na mas mapapadalas ang uwi ko o 'di kaya ay sya ang dadalhin ko sa Solar.

Sa unang pag kakataon ay umalis ako ng Pilipinas na na hindi umiiyak o humahabol si Art.

Nakatayo lang sya at kumakaway habang hawak ang dog leash ni Copper.

Nag manman ako sa kanilang hotel, sa bawat pag pasok nya sa huling taon nya sa Junior Year.

Sa bawat pag tingin ko sa kanya sa malayo, hindi maiaalis sa akin na mahumaling sa nakaka akit nyang kagandahan.

Kumunot ang noo ko sa isnag lalaking walang palya na nag papadala ng bulaklak at mga regalo sa kanya.

Mukhang mabait at desente manamit. Palagi ko ring nakikita sya na nakasunod kay Azula sa pag pasok ng gate kahit madalas ay kasama ni Azula ang kanyang kapatid.

"Azula, please. Magusap naman tayo."

Hinawi ni Azula ang kamay ng lalaki na humawak sa kanyang braso. Nanatili akong nakamasid sa underground parking ng Hotel. Sa isang malaking pundasyon malapit sa kanila ako nag tago.

"Wala tayong dapat pagusapan." Malamig na tinig nya.

"But please, kahit makinig ka na lang. Just... Just listen to my—"

"Excuses? Lies? Mga kasinungalingan na paniniwalaan ko Thor? Paniniwalaan kong muli? O hihilingin mo na maging okay kami ni Amara?"

"Yes please, kahit iyon man lang. Amara is sick—"

"It's not enough excuse to hurt me mentally and emotionally. Naawa ka kay Amara pero sa akin na sinaktan nyo, hindi kayo naaawa." Natigilan ako sa boses nyang nangangatal at puno ng pagsusumamo. Suminghot sya at nagpahid ng luha bago humarap sa lalaki.

"Just consider her—"

"And consider me too, Thor. How dare you invalidating my feelings and the reason of my pain!" Akmang lalapit na ang lalaki pero umurong si Azula. Kita ko kung paano tumulo ang luha nya.

"I'm sorry."

"Ang sorry, sinasabi yun sa mga bagay na hindi sinasadya. Hindi para pagtakpan ang mga bagay na sinadya." Matapang nyang sinabi.

"But please, don't get me wrong, i maybe mad at you both, but I won't break up with you. Dahil kay Amara na rin nanaman nanggaling, hindi ka nya mahal. Wala akong ginawang kasalanan para iwan kita Thor. So you have no choice, is either you deal with the consequence i give you or you leave me. Ikaw parin ang mag de-decide, Thor kahit ako na ang nasaktan nyo."

Fix youWhere stories live. Discover now