Kabanata 17

19 2 0
                                    

"Sa akin, Azula." Bumugso ang luha ko dahil sa sinabi nya. Ilang beses na syang umamin sa akin pero binabaliwala ko lang. Natatakot na ako na hindi pagbigyan ng pagkakataon kung mahalin ko sya. Baka tulad nya ay masaktan ko sya.

Pero sa pagibig ni Luan ay napupuno ako. Hindi ko kailangan mag panggap.

"Pero Luan.. I—"

"I'm not asking you to love me. Alam kong hindi mo pa kayang subukan and it will tear you apart if you just choose to love me because you feel that you are not love. It will hurt us both but if you don't have any place to go or you feel that you are being neglected or you feel lonely. Sa akin, Azula. I will pick you up until are freely to love again." Kung meron man akong hihilingin 'yun ay mawala na ang pangamba dahil karapatan din ni Luan na mahalin sya.

"Disisyon kong manatili. Disisyon kong mag hintay." Tumango ako kay Luan nang simula nyang pahirin ang luha ko. Ngumiti ako sa kanya. Ganoon naman lagi. Lagi nyang pinapagaan ang mga bagay na sobrang bigat sa akin. Para bang may kapangyarihan si Luan na dalahin ang lahat ng bagay.

Parang pinagbibigyan ako ng langit sa gabing iyon dahil pansamantalang napawi ang lungkot. Sa tabi ni Luan ay pakiramdam ko ay hindi ako nag iisa. Na dapat akong umakyong sa kung anong nararamdaman ko.

"Close ka ka kay Hecate?" Tanong nya sa akin. Halos inubos namin ang mga oras sa pag kwekwentuhan, sya sa mga gawain nya sa Luna habang ako naman sa trabaho ko dito sa Solar.

"Not quite. Pero minsan may mga bagay na ginagawa nya o pinapagawa nya sa akin ang mga bagay na minsan nalalaman ko na di pala alam ni Apollo. Bihira syang mag sabi sa akin o mag kwento ng plano nya. Basta sumusunod ako."

"Means nag titiwala sya sayo." Tumango ako.

"Kaya rin noong nangyaring massacre sa Pentagon tower, pinilit ko ang sarili ko na dapat maging ligtas si Apollo. Dahil ang sabi nya sa akin, kahit anong mangyari ay babalik sya kay Apollo. Pero hanggang ngayon hinihintay ko na lang na isang araw, totoo ang sinabi nya na babalik sya. Dahil parang iniubos si Apollo. Ang pag mamahal nila sa isa't isa ay nanatiting buo sa kabila ng lahat ng unos. Hindi ko alam kung saan nila natutunan ang ganoong klase ng pagmamahal." Sabi ko sa kanya, ngayon ay nakasawsaw sa tubig ng pool ang mga paa namin habang nakatingin sa langit.

"May mga pagibig na hindi natin maiintindihan hangga't 'di natin nararamdaman." Sabi nya sa akin at tumango ako.

"Anong oras ang alis mo bukas?"

"Sasabay ako sayo."

"Akala ko may project ka na gagawin?" Pumadyak ako ng malumanay at tinuon ang kamay ko sa dalawnag tagiliran.

"Pag balik ko na lang siguro. Hindi naman masama na magliwaliw 'di ba?" Ngumiti ako sa kanya. Sabagay, trabaho parin ang pinunta ko rito.

"Lagi kayong dito nagchecheck ni Azure."

"Personal cabin namin ito. Siguro dito malulugi ang hotel, dahil kahit fix season at punuan ang booking, nanatili itong exclusive para sa amin ng kapatid ko. Kaya din may sariling bakod. Sa cabin ka na lang ni Azure matulog. Dapat kasi ay sinabi mo muna sa akin bago ka nag book para hindi sayang." Sabi ko sa kanya. Ngumisi sya.

"I can pay for it Azula. Minamaliit mo naman ako." Sabi nya at ngumiti ng umiiling.

"Hindi ko naman sinabing ganun."

Fix youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon