KABANATA 18

23 2 0
                                    

Hindi ko alam na ang pag lapit ko lang pala sa ibang babae ang nagiging rason ng pag amin nya sa akin. Sana pala ay matagal ko nang ginawa.

Hindi ako manhid para makita na naguguluhan lang sya. Sa tagal kong nakabuntot sa kanya, madalas man syang masungit sa akin lalo na sa harap ng kapatid nya ay nakikita ko na may nararamdaman na si Azula para sa akin.

Hindi ako makapaniwalang nag bunga ang pananatili ko.

Pinitik ko ang noo nya at kumunot naman ang noo nya at sinapo ang noo na pinitik ko.

"Ayoko ng Arkitekto. Ang gusto ko ay isang matapang na babaeng kayang ipagtangol ang sarili nya. Isang negosyante na may ari ng isang resort at farm at isang babae na tapat mag lingkod sa kanyang bansa." Bahagya syang ngumiti. Ayan, nawala na ang kanyang pag nguso.

"Halika na, ituloy na natin ang pag kain." Hinawakan ko ang kamay nya at hinatak syang pabalik ng table. Nagsimula na syang galawin ang pagkain nya.

"Luan."

"Hmm?" Napatunghay ako at tiningnan sya.

"Kunin na natin si Artemis sa Pilipinas." Napaayos ako ng upo sanabi nya.

"Pinayagan na ako ni Apollo. May niready na syang eroplano para sa atin papuntang pilipinas." Sabi nya sa akin.

"Pinayagan ka ni Apollo?" Nakapagtaka, dahil walang sinabi si Apollo sa akin noong nag shooting kami.

"Pumayag si Hecate. Payag na rin si Apollo." Napakunot ang noo ko.

"Anong payag si Queen Hecate?" Tumigil sya sa pag kain at ngumiti sa akin.

"Kinausap ko si Hecate. Hiniling kong pagbigyan nya na makapasok ng Luna si Art na nasa pilipinas ngayon." Nagulat ako sa ginawa nya. Ginawa iyon ni Azula sa akin.

"Nasa akin ang identification nya, pinagawa ni Hecate kay Alix lahat ng formal at legal na dokumento ni Art na syang gagamitin sa Luna. Kunin na natin sya pra sabay sabay tayong bumalik ng Luna." Nakangiti nyang pahayag.

Ganito sya mag mahal. Ibibigay nya ang lahat para sa taong iyon. Lahat ng pangangailangan. Napaka swerte noon ni Thor kay Azula ngunit pinakawalan nya pa. Kaya mas maswerte ako ngayon.

"Kaya ka ba madalas di nag sasabi sa akin kung saan ka nag pupunta?" Tumango sya sa akin ngunit ngumiti.

"Hindi ko pa naman obligasyon na sagutin ang lahat ng tanong mo at iinform ka kung anong ginagawa ko." Sa aming dalawa ako yata ang ganoon. Pero okay lang, malakas si Azula. Kaya nya ang sarili nya. Saka wala ng panganib sa Solar at nanatili itong sarado tulad ng Luna.

"Ngayon obligasyon mo na." Tumawa sya sa sinabi ko.

Nagpaalam sya pagkatapos namin kumain.

"Mag papaalam lang ako kay Azure at ipapake ko ang damit mo at damit ko. Excited na akong makita si Art." Sabi nya sa akin.

"Ngayong hapon mo talaga gustong umalis?" Tumango sya.

"Do you still have work tomorrow?" Umiling ako.

"Not really. Hahayaan ko na sila sa turn over kay Apollo. I think Lucian will come over too." Sabi ko sa kanya habang sumandal ako sa sasakyan nya. Binuksan ko ang driver's side door at umakyong papasok na sya doon.

"Gusto mo bukas na lang?"

"No. If you want it today, then it should be today. I'll call Apollo to say thank you." Ngumiti sya at pumasok na sa loob ng sasakyan nya. Sinarado ko ang pinto at binuksan nya ang bintana.

"Tell Azure that i already win." Nakangiti kong saad. Tumango sya at ngumiti.

"Drive safe, Mahal." Ngumisi sya sa sinabi ko.

Fix youحيث تعيش القصص. اكتشف الآن