Kabanata 5

16 1 0
                                    

Naging banyaga sa akin ang kilos ni Luan nang bigyan nya ako ng paper bag na puno ng mga dress at damit.

Pati ang pag hiling nya na maging normal ang pakikitungo nya sa kanya.

Is that mean, i should not call him Sir?

Napagpasyahan nya na mag island hopping kami at sa isang isla magpalipas ng gabi. Masasabi kong nakaka mangha ang bawat pangpang at isla na pinuntahan namin.

Lalo na ang marine sanctuary na puno ng mga makukulay na isda at koral. Napaka linis at napakalinaw ng tubig, matutuwa si Azure kung dal'hin ko sya  dito dahil mahilig sya sa mga ganitong bagay.

Nasa isang cove kami ng makita ko na nag tatalo si Luan at Artemis. Yumakap sya kay Luan nang makalapit ako dala ang salvabida.

"Then bring me with you. Please. I don't want to be alone!" Nagsimulang umiyak si Artemis.

"I can't. I'm sorry. This is the best for you. Kuya will prepare things for you to go back to home land. Please be patient, Artemis." Isinakay sya ni Luan sa salvabida ako ay naka alalay kay Artemis at si Luan ay yumapos sa salvabida. Malungkot ang mata nya habang nakikitang nag mamakaawa ang kanyang kapatid.

"Azula is with you, tatay tonyo and nanay Mape is always there to look for you. I will always come back. And one day I promised i will bring you to the home land. There we can be together." Umiling sya ng umiling sa amin. Humihikbi si Artemis at ngayun ko lang nakita ang mukha ni Luan na puno ng lungkot.

"Please. Promise that i will come back as often. Please, Art?" Pag mamakaawa nya. Hindi ko inaasahan na dito nya sasabihin na aalis na sya sa susunod na araw.

"Lagi mo na lang akong iniiwan. Do you still love me?" Bumagsak ang balikat ni Luan sa tanong ni Artemis sa kanya. Ako man ay nadudurog sa tanong na iyon. Kung si Azure ang mag tatanong sa akin noon, hindi ko kayang sabihin na hindi ko sya mahal dahil pamilya ko si Azure.

Hindi ko maintindihan. Bakit kailangan nyang umalis?

"I love you always, Art. I love you every day. It's just Kuya need to fix things for us. Believe kuya when he said that he will come back. Just for you." Umiling sya ng umiling sa kapatid.

"I'm afraid, Kuya. I'm afraid that you become Ceyx and never come back and i will wait for you just like how Alcyone wait for Ceyx." Napakunot ang noo ni Luan at tumingin sa akin na may pag tatanong.

Iyon ang libro na binabasa ko sa kanya. Hinarap ko si Artemis sa akin.

"No. He will never be like that, Artemis. Ceyx will never be your brother, and you wont become Alcyone waiting for him, cause he will comeback just for you. Don't you trust your Kuya Luan?" Saad ko habang pinapahid nag luha nya. 

"I trust him."

"Oh, yun naman pala eh. He said he will just fix things for you. You just need to believe and it will happen. Okay?" Tumango si Art sa akin. Buti ay naging convincing ang mga salita ko sa kanya. Nang tumahan si Artemis ay muli kaming bumalik sa bangka. Si Luan ay nanatili sa tubig at nilangoy ang batuhan para mag tangka mag cliff diving. Kita sa kanyang mata ang lungkot sa nangyari.

Maging si Artemis ay nalungkot kaya hindi kami nag tagal sa sunod na pinuntahan namin at agad na nag tungo sa isla na sinasabi nila.

Mula sa malayo ay tanaw ko ang mga pilar sa taas ng isla. Kulay pula at kahel ang langit habang lumulubog ang araw. Ang puting buhangin ay nahahawa sa kulay pulang kalangitan.

Fix youWhere stories live. Discover now