Kabanata 25

31 1 0
                                    

Bumaba ako ng sasakyan, si Art ay dali daling bumaba ng sasakyan ay patakbong pumunta sa mansyon kasama ang kanyang aso. Hawak kamay akong iginaya ni Luan papunta sa tapat ng pinto ng kanilang mansyon.

"Tita Mommy, kuya is here." Sigaw ni Art sa pag pasok ng Masyon. Agad syang umakyat sa Hagdan.

"Artemis? Kanino galing iyang aso mo?" Tinuro ako ni Artemis na papaakyat na ng second floor.

"Kay Ate Azula mom, sa kwarto muna po ako ni Hazel. Haze!! We are home!!" Nag bow ako sa Mommy ni Luan.

"Good evening po." Pinagmasdan nya kami ni Luan at ngumiti.

"Hindi ko inaasahan na dadalhin mo ang Prinsesa ng District 4, Luan. Sana pala ay sa bahay ako nag handa ng hapunan." Magiliw na sambit ng Mommy ni Luan.

"Mom, we are not staying the night." Naningkit ang mata ng kanyang Ina.

"Bakit? And where are you going to stay? Lilipad na ba agad kayo pabalik ng Sibol?" Umiling si Luan.

"Sa Pad ko Ma." Umiling ang kanyang Ina sa akin.

"HIja, hindi ba ay dito mo gustong matulog?" Hinawakan nya ang dalawang kamay ko at magiliw akong tinanong. Nagpabalik balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Umiiling si Luan habang nakangiti ang Ina nya sa akin.

"Kung papayagan nyo po?" Patanong kong sagot. Napasapo si Luan sa kanyang noo.

"That would be great. Camila! Prepare a set of plate for Azula Renaldi and call Henry to go home." Aligagang nag punta sa kusina ang Mommy ni Luan at sinundan naman namin.

"Wala pa si Tito Henry?"

"You give the company to him in a very short notice and you are asking why he still working overtime? Ikaw talagang bata ka--ow! good evening Young Lady." Nabaling ang kanyang Tita sa akin habang may hawak syang malaking plato ng ulam. Gumala ang mata nya hanggang sa kamay namin ni Luan na magkasalikop. Ngumiti sya sa Ina ni Luan at nag kindatan sila habang nakangiti.

"I'm your Tita Camila. The wife of Henry Yoko, ang Tito ni Hunter. Please enjoy yourself in my humble home." saad ng kanyang Tita. Muling lumapit sa akin ang kanyang Ina at hinawakan ang kamay ko.

"My apologies for not introducing myself to you, I'm Brielle Yoko--"

"The highest Sector of building and Infrastructure. Its my honor to meet you, Madame." Bahagya akong nag bow. Maliliit na tawa ang ginawa ni Tita Camila habang pinag mamasdan kami.

"Please, call me Mama. Lagi kang nababanggit sa akin ng aking anak na si Artemis at si Luan naman ay laging ang paalam ay sayo sya mag tutungo." Hinaplos ang aking puso sa kanyang mga salita.

"Ma! Ano bang pinag sasabi mo?" Kinakamot ni Luan ang kanyang ulo gamit ang kanyang kamay na malaya.

"Bakit? That's the truth. Wag na tayo magsinungaling sa harap ni Azula."

"First name basis ah! Ang bilis." Nakangusong saad ni Luan.

"Hijo, doon din naman ang punta noon, bakit pa namin papatagalin. Dapat ay masanay na si Azula sa pamilya na meron ka." kumindat si Tita Camila kay Luan.

"The best ka talaga Tita!" Iniwan ako ni Luan sa kitchen dahil sabi nya ay ibaba nya ng gamit ni Art at ilang gamit ko sa sasakyan para may magamit ko mamaya pag nag shower ako.

"Do you know how to bake, Hija?"

"Ah Tita, I'm not used in the kitchen, I'm not a good cook." Tumawa si Tita Camila sa akin.

"Ganiyan din ako noong bago pa kami ni Henry. I said that I'm good on cooking pero ang totoo ay hindi. Buti ay minahal nya parin ako."

"I can teach you together with Art. You should visit our house some times, Azula" Napangiti ako sa imbitasyon ng mommy ni Luan. Napatango ako. Napalingon kami sa papalapit, si Luan at ang kanyang Tito ay nag uusap habang papunta sa amin na nasa loob ng dinning and Kitchen.

Fix youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon